Chapter 43

778 17 2
                                    

-Kath's POV-

 Nandito ako sa bahay nila bes ngayon.

Naisip ko muna kasing maki-hangout sa kanya dahil ilang araw na rin kaming di nagkakasama nito simula nung lagi na lang si DJ ang nakakasama ko.

Pero sa nakikita ko ngayon, mukhang hindi ito hangout ng mag-bestfriend eh.

Group hangout ang tawag dito.  -_____-

Bakit?

Syempre, nandito rin kasi si Diego.

Ang galing din naman kasing tumayming nitong lalaking ito eh noh?

Sakto talagang nagpunta dito kung kailan dapat kaming dalawa lang ni bes ang magkasama ngayon.  -_____-

Ayan tuloy, O.P na naman ako sa kanila.

Ayaw ko naman nang kontrahin sila dahil ayaw ko namang makasira ng mood kaya makiki-ride on na lang ako.

Ang sweet sweet nila ngayon.

Selos ako. 

JOKE! Hahahahaha! :P

May DJ na ako noh!

Ayan, dahil nakikita ko silang sweet ngayon, na-miss ko na naman tuloy si DJ. :(

Nasaan kaya yun ngayon?

Pinayagan ko muna kasi siyang wag muna akong samahan dahil hinahayaan ko na lang muna sila ng daddy niya na mag-bonding eh.

"Bes, anong gusto mong kaining snacks?" - Julia.

"May chips ka ba diyan?" - Ako.

"Of course." - Julia.

"Sus! Yan pa, nawalan ng chips? I don't think that's gonna happen. Hahaha!" - Diego.

"Baliw talaga 'to! Haha!" - Ako.

"So, you're saying na matakaw talaga ako?!" - Julia.

"Wala akong ibig sabihin doon Juls. No offense meant. Haha!" - Diego.

"Eh ba't ka tumatawa?! Tawa mo pa lang nakaka-offend na eh!" - Julia.

"Chill Juls! Walang ibang meaning yun!" - Diego.

Haaaay naku! Ito na naman po sila.

Nag-aaway na naman ang kaninang napaka-sweet na lovebirds.  -_____-

Seriously guys?

Di niyo ba na-se-sense ang presence ko?

Hello? I'm still here?  -_____-

"Okay, STOOOOP!" - Ako.

Nagsi-tigil naman sila sa pagsasagutan nila at medyo kumalma na rin sila nang narinig nila akong nagsalita.

"Kayo talaga oh. Parang kanina lang ang sweet sweet niyo tapos bigla na lang kayong nag-away dahil sa isang napakaliit na dahilan." - Ako.

"SIYA KASI EH!" - Julia at Diego.

Nagsabay pa talaga sa pagsasalita eh noh?  -_____-

"Kalma! Inaayos ko lang ito! It's not like inaaway ko kayong pareho!" - Ako.

"Sorry." - Julia at Diego.

"Ayan! Kayo naman kasi eh. Nagkaroon tuloy ng tensyon dito." - Ako.

Nanahimik naman sila at parehong nakayuko na parang mga batang pinapagalitan.

Knotted And Tangled Love StringsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon