Chapter 46

497 16 6
                                    

-Daniel's POV-

Nang umalis ako sa Pilipinas, hindi na ako nagkaroon ng pagkakataong magpaalam kay Kath.

Sinubukan ko naman. Pero sabi kasi ng yaya nila, ayaw daw tumanggap ni Kath ng kahit na sinong bisita.

Sinubukan ko ring i-text si Julia pero hindi rin nagrereply kahit naka-ilang text na ako sa kanya.

Alam kong nasaktan si Kath.

Pero nasaktan din naman ako sa mga pangyayari lalo na nang sinabi niyang huwag na muna kaming magkita.

Hindi ko alam kung kami pa ni Kath dahil wala naman siyang sinabing break na kami.

Si Diego lang ang nakakausap ko sa text, tawag, at pati na rin online.

Yun nga lang, pag pinapatanong ko sa kanya kung puwede kong kausapin si Kath, lagi naman daw tumatanggi si Kath.

Pagkalipas ng limang buwan, umabot na rin sa puntong hindi ko na rin nakakausap si Diego dahil hindi na rin niya sinasagot ang mga tanong ko sa kanya tungkol kay Kath.

"DJ? Anak?"

Tumingin ako sa nagsalita. Si Dad pala.

"Bakit po?" - Ako.

"Tulala ka na naman." - Daddy.

"Sorry, Dad. May iniisip lang po ako kanina." - Ako.

"Mamaya na lang natin pag-usapan yan. Mag-focus ka muna ngayon." - Daddy.

Tinignan ko ang assistant ni Dad at mukhang may hinihintay siyang sagot mula sa akin.

Agad kong ibinalik ang atensyon ko sa kanya.

"I'm sorry, where were we?" - Ako.

"I was asking if you still want to continue with practicing your presentation for the board." - Assistant.

"Yes, but I'll do it from the beginning of the presentation." - Ako.

"Okay." - Assistant.

Binalik niya sa unang slide ang presentation at nagsimula na rin akong mag-practice ng mga sasabihin ko.

Pagkatapos ng pagpapractice ko, umuwi na rin kami ni Dad sa bahay niya.

Pag-uwi naman namin, tumayo ako sa glass window ng bahay para makita ang tanawin.

Sandaling panahon na lang na naman kasi, uuwi na rin ako sa Pilipinas.

Ang nasa isip ko ngayon, hindi rin naman pala masama ang naging desisyon kong sumama dito kay Dad.

Marami akong natutunan sa pagsasanay ko dito. At isa pa, pakiramdam ko, dahil dito, mas magiging karapat-dapat ako para kay Kath.

"Ano na naman ba ang iniisip mo kanina?" - Daddy.

"Wala, Dad." - Ako.

"Ako pa bang paglilihiman mo?" - Daddy.

"Dad, alam mo naman yung sitwasyon nung umalis ako sa Pilipinas, diba?" - Ako.

"Sabi ko na nga ba eh. Si Kath na naman yan." - Daddy.

"Gusto ko nang umuwi, Dad. Kailangan ko siyang kausapin." - Ako.

"Ngayon ka pa ba bibitaw dito sa training mo? Malapit nang matapos 'to, anak. Konting tiis na lang." - Daddy.

"Dad, diba sabi mo pwede naman na akong umuwi pagkatapos ng presentation ko sa board?" - Ako.

"Oo, wala nang problema doon. Tapusin mo na muna 'to, okay?" - Daddy.

"Opo." - Ako.

Nang sumunod na linggo, nagpatuloy pa ang pagsasanay ko para sa presentation ko sa board.

Dahil gusto ko nang makauwi kaagad pagkatapos na pagkatapos din ng presentation ko, gumamit ako ng konting oras para makapag-pack na ng mga bagahe ko.

Tumingin na rin ako sa schedule ng mga flight papuntang Pilipinas.

Merong 7 pm flight sa araw ng presentation ko sa board. Tamang tama, tapos na siguro ako nun dahil 5:30 pm ang presentation ko.

Mabilis nagdaan ang mga araw.

Kabadong-kabado ako dahil dumating na ang araw ng presentation ko.

Pagdating ko sa opisina, inayos ko na ang mga gagamitin ko sa presentation ko.

Ilang minuto lang, dumating na rin si dad kasama ang board na makikinig at manonood sa presentation ko.

Nang nandoon na ang lahat, pinagsimula na ako ni Dad.

Mukhang maayos naman at naiintindihan nila ang presentation ko dahil sa mga nakikita kong reaksyon nila sa mga sinasabi ko.

Tumingin ako sa oras. 6:00 na pala. Kailangan ko nang magpunta sa airport dahil kailangan ko nang mag-board sa eroplano ng 6:30.

"Thank you for listening, everyone. Now, if you have no more questions, please excuse me. I have to go." - Ako.

Tumango si Dad kaya tumakbo na ako palabas ng opisina.

Tumigil ako sa pagtakbo nang narinig kong tinatawag ako ni Dad.

"Anak, mag-iingat ka." - Daddy.

"Opo, Dad." - Ako.

"Salamat dahil pumayag ka dito. Alam mo, kahit sa maikling panahon, mas nakilala ko ang anak kong hindi ko madalas nakikita." - Daddy.

"Masaya din ako dahil nagkasama tayo dito, Dad. Salamat din po sa pagbibigay niyo sa akin nitong oportunidad na ito." - Ako.

"Pasensya ka na kung hindi masyadong maganda ang naging paalam mo sa mga nasa Pilipinas. Hindi ko yun gustong mangyari. Gusto lang talaga kitang isama dito para sa business at para na rin sa pamilya natin." - Daddy.

"Okay na po yun. Medyo matagal na rin naman po yun. Aayusin ko na lang po pagbalik ko doon. Lalo na po yung sa amin ni Kath."

"Sige, anak. Good luck." - Daddy.

Ngumiti ako kay Dad at tumalikod na rin. Nagsimula na ulit akong tumakbo papunta sa table ko kung saan ko iniwan ang mga bagahe ko.

Nang nakuha ko na ang mga bagahe ko, lumabas na ako at sumakay sa taxi papuntang airport.

Pagdating ko naman sa airport ng saktong 6:30, nagmadali na rin akong magpa-inspection at x-ray ng bagahe.

Pagkatapos ng mga proseso, sa wakas, nakasakay na rin ako sa eroplano.

Mahaba-haba ang biyahe.

Sana, pagdating ko doon o kaya kinabukasan, makausap ko na si Kath.

Namimiss ko na siya.

Buti na lang magkikita na ulti kami at magkakasama.

 ...

Pagdating ko ng Pilipinas, napagpasyahan kong ipagpabukas na lang ang pagpunta kila Kath dahil medyo pagod na rin ako sa biyahe.

Baka kasi kung agad na akong pupunta, baka hindi lang ako makapagpaliwanag kay Kath ng maayos.

Kinabukasan, nagpunta agad ako kila Kath.

Habang nagda-drive ako, nakita ko si Kath na naglalakad malapit sa bahay nila.

Mukha naman siyang masaya. Mabuti naman kung talagang masaya siya.

Akala ko kasi, pinanghawakan niya ang pagkalungkot niya sa pag-alis ko noon.

Pero teka, may kasama siyang lalaki at dadalawa silang naglalakad.

Sino kaya ang lalaking iyon?

Knotted And Tangled Love StringsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon