Chapter 47 (END)

571 9 4
                                    

- Kath's POV -

Masaya ako dahil nakauwi na naman dito sa Pilipinas ang kapatid ko. Sobrang saya ko dahil babago ko lang ulit siya nakasama.

Pero sa kabila ng kasiyahan ko, hindi pa rin mai-aalis sa akin ang malungkot dahil sa mga nangyari.

Sa totoo lang, sinusubukan ko namang kalimutan ang mga nangyari pero hindi ko pa rin kasi talaga kayang pakawalan ang mg bagay na mayroon ako noon... katulad ni Daniel.

Mahirap makalimutan.

Kung paminsan-minsan namang sinusubukan kong ibaon sa limot ang lahat ng iyon, nasasaktan pa rin ako lalo na pag bumabalik ng paunti-unti ang mga alaalang iyon.

"Akala ko ba bawal ang malungkot pag magkasama tayo? Bakit ang haba na naman ng nguso mo?" - Kuya.

"Kuya, nasasaktan pa rin ako." - Ako.

"Naiintindihan naman kita, bunso. Dumaan na rin ako sa ganyan eh. Kung baga, papunta ka pa lang, pabalik na ako." - Kuya.

"Wala pa rin kasing sumasampal sa akin para sabihing nasa reyalidad na ako ng buhay eh." - Ako.

"Huwag ka namang ganyan. Ako pa tuloy ang nalulungkot pag magkasama tayo dahil nakikita kitang nagkakaganyan." - Kuya.

Pinilit ko na lang ngumiti sa harap ni Kuya kahit nagkakaganito na naman ako ngayon.

Makalipas ang ilang minuto, may lumapit sa aking bata habang naglalakad kami ni Kuya sa park.

Inabutan niya ako ng isang dilaw na rosas at agad siyang tumakbo kaya naman hindi na ako nagkaroon ng pagkakataong tanungin siya kung saan nanggaling ito.

Nang tinignan ko naman si Kuya, nagkibit-balikat lang siya.

Habang naglalakad kami, makalipas ang dalawang minuto, may nagpunta ulit na bata sa akin at inabutan ulit ako ng isa pang dilaw na rosas.

Natanong ko siya kung kanino galing ang rosas pero ang sabi lang ng bata, basahin ko ang nakalagay sa ribbon na nakatali dito.

Nang binasa ko naman ang nasa tali, ang nakalagay, "SORRY."

Tinignan ko si Kuya at mukhang wala talaga siyang alam sa mga nangyayari dahil tinanong pa niya sa akin kung anong nakalagay sa ribbon.

Dahil doon, huminto kami sa paglalakad ni Kuya.

Paghinto naman namin, may lumapit ulit na isang bata at binigyan niya ako ng isa pang dilaw na rosas.

Katulad ng nauna sa kanya, sinabi niyang basahin ko na lang ang nakalagay sa ribbon kaya naman tinanggal ko ulit ang pagkakatali nito at binasa ko.

Nang binasa ko ang nasa tali, "THANK YOU" ang nakalagay.

Nagkibit-balikat ulit si Kuya. Sa totoo lang, hindi ko na rin maintindihan ang mga nangyayari.

Mukhang wala naman yatang patutunguhan itong mga ginagawa nitong mga bata dahil parang isa lang itong kalokohan ng kung sino mang nangti-trip sa akin.

Napagpasyahan kong lumakad na lang ulit at sumunod naman si Kuya.

Nang lumakad naman ako, may dumating ulit na isang batang may hawak ulit na isang dilaw na rosas.

Iniisip ko kung anong kulang sa pangatlong rosas.

Ribbon. Kulang ng ribbon. Ibig bang sabihin, wala talagang patutunguhan ito?

Tinignan ko si Kuya. Magsasalita na sana ako pero bigla naman siyang nag-seryoso.

Knotted And Tangled Love StringsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon