Chapter 7

1.4K 20 2
                                    

(A/N): Hi guys! :))

Ito na ang isa pang update! :))

Comments and votes, please? :))

-----------------------------------------------------------------------------

-Daniel's POV-

Pagdating ko sa room ng first subject, wala pang gaanong tao.

Ang aga ko palang pumasok? Haha.

Nagreserve ako agad ng dalawang seats sa tabi ko para kay Julia at kay Ms. Sungit.

Diba ang bait ko?

Pinagreserve ko pa si Ms. Sungit ng upuan kahit lagi niya akong inaaway at kahit madalas kaming hindi magkasundo.

Sa totoo lang, ayaw ko naman talaga ng may kagalit, kaaway o kaalitan man.

Kaso siya na rin nagsisimula.

Dahil napupuno na ako, gumaganti rin ako.

Haaay...tama na nga.

After a few minutes, dumating na ang college representative namin.

May meeting nga pala kami ngayon kasama siya.

Nagsidatingan na rin ang iba pa naming mga classmates.

Sinimulan na ni Ms. Rep. ang meeting.

After a few minutes, dumating na sila Julia kaya kinawayan ko naman para makita nilang may nireserba na akong upuan para sa kanila.

Umupo na rin naman sila sa tabi ko.

"Hi." - Daniel.

"Hello." - Julia.

"Hi Ms. Chairperson! " - Ako.

"Hello." - Kath.

Wow ha.

Kung katumbas ng kuryente ang bawat sagot nila, malamang ang laki na ng natipid namin! Haha! :P

Nagpatuloy na ulit sa meeting si Ms. College Representative.

"Since kumpleto na tayo at nandito na rin ang chairperson ng USC, pwede na tayong mamili ng candidates para sa Mr. and Ms. University. Any nominations? " - College representative.

Pagkatapos magsalita ng college rep, nagtaas naman ng kamay ang isa naming kaklase.

"Yes Macy? " - College Rep.

"Si Daniel Padilla po, Ms. Rep." - Macy.

Aba! Akalain mo yun? May magnonominate pala sa akin?

My gosh! I'm gaining popularity! Haha!

Ai oh? Bakla lang?! Haha :P

"Mr. Padilla, please come forward." - College Rep.

Bago ako pumunta sa harap, kinausap ko muna sila Julia.

"Aba, hindi ko na pala kailangang i-nominate ang sarili ko. Haha! " - Ako.

Nakita ko namang nag-roll ng eyes si Ms. Sungit na parang nayayabangan sa akin.

Sa bagay, nature na niyang mag-taray kaya wala na akong magagawa doon. Haha! :P

Pagkatapos niyon, tumayo na ako sa harap.

"Meron pa ba kayong nominations sa boys? " - College Rep.

Knotted And Tangled Love StringsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon