Chapter 45

484 13 2
                                    

-Daniel's POV-

Hindi ako makapaniwala sa mga sinabi ni Dad sa akin.

Nagawa ni Kath yun para sa akin?

Kung tutuusin, imposible ang mangyari ang ganun lalo na't hindi naman gaanong kilala ni Kath ang Daddy ko.

Pero nagawa niya. Nagawa niya talaga.

Malaki pala talaga ang utang na loob ko sa kanya.

Ang mai-susukli ko lang sa kanya sa ngayon, yung pagmamahal ko sa kanya.

"Hindi ako makapaniwalang nagawa niya yun para sa akin, Dad." - Ako.

"Kung tutuusin, hindi naman talaga kapani-paniwala yun eh. Pero nagawa niya talaga." - Daddy.

"And yet, hindi pa ako nakapagpasalamat sa kanya dahil doon." - Ako.

"Siguro nga, nakita ka niyang nalulungkot dahil hindi mo pa ako nakikita ulit, kaya nung nakahanap siya ng pagkakataon, ginawa na niya lahat ng makakaya niya para magkatotoo yung kahilingan mo." - Daddy.

"Oo nga, Dad." - Ako.

"Anak, ang advice ko sa'yo, wag mo na siyang pakakawalan. She's an amazing girl. Kung kayo na talaga sa huli, don't let her slip right through your fingers." - Daddy.

Tumango naman ako kay Daddy nang sinabi niya yun.

Tama naman talaga siya sa sinabi niya eh.

Mahirap hanapin ang mga katulad ni Kath na kayang gawin ang lahat para lang mapasaya ang isang tao.

Bigla kong naalalang may nabanggit nga pala si Dad na mga rason.

Sabi niya, tatlo daw yun.

Pero dalawa pa lang naman ang sinasabi niya sa akin.

Ano yung isa?

"Dad, ano po yung pangatlong rason niyo? Diba, sabi niyo, tatlo yun? Dadalawa pa lang po ang sinabi niyo sa akin." - Ako.

"Anak, gusto ko sanang sumama ka muna sa akin pagbalik ko ng States." - Daddy.

Hindi ko alam kung nabingihan ko ang narinig ko mula kay Daddy.

States?

Bakit sa States pa?

"Ano, Dad?" - Ako.

"Gusto kitang i-train para sa business natin." - Daddy.

"Puwede namang dito mo na lang ako i-train eh. Bakit kailangan pang sa States?" - Ako.

"Anak, mas makabubuti kasi para sa'yo kung makakapag-focus ka sa training mo." - Daddy.

"Dad, kaya ko namang mag-focus dito eh." - Ako.

"Ibig kong sabihin, anak, wala munang ibang distractions." - Daddy.

"Wala namang distractions dito ah." - Ako.

"Mga distractions na katulad ng friends, schoolmates, pati na rin ang relationships. Napag-usapan na namin ito ng mommy mo. Pumayag naman siya sa gusto kong mangyari." - Daddy. 

Sa sinabing yun ni Dad, halos maputol na ang fishing rod sa paghigpit ng hawak ko dito.

Gusto kong magwala.

"Pero, Dad, kasasabi niyo lang sa akin kaninang huwag ko nang pakawalan si Kath! Bakit parang sinasabi niyo ngayon na iwan ko muna siya?!" - Ako.

Knotted And Tangled Love StringsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon