Chapter 9

1.5K 25 5
                                    

(A/N): Hi guys! :))

Ito na naman ang isa pang update! :))

Comments and votes, okay? :))

--------------------------------------------------------------------------------

-Daniel's POV-

Nagpapractice kami ng paglakad sa stage.

Nag-practice na rin naman kami ni Kath ng gagawin namin sa talent portion.

Nanonood si Julia kaya malamang, may inspiration na naman ako. :)

Nang natapos nang mag-practice lumakad sa stage lahat ng contestants, sumigaw naman ang instructor namin.

"Okay guys! 20 minutes break." - Instructor.

Pagkatapos niyon, lumakad na kami ni Kath at dumeretso kami kay Julia.

Inabutan niya naman kaming dalawa ng tig-isang bottled water.

"Oh heto, magpahinga muna kayong dalawa. Alam kong pagod na rin kayo dahil buong araw kayong nagpractice ngayon." - Julia.

"Sinabi mo pa! " - Kath at Ako.

"Sabay pa talaga eh noh? Haha." - Julia.

Nagtawanan naman kaming tatlo.

Uminom naman na kami ni Kath ng tubig.

Pagkatapos naming uminom, nakita naman namin si Julia na nakatingin sa kawalan habang nakangiti.

"Oy bes. Ano na naman ang nginingiti-ngiti mo diyan? " - Kath.

Para siyang natauhan kaya tumingin siya sa amin at nagsalita.

"Ha? Ako? Nakangiti? " - Julia.

 "Ai hindi bes. Si DJ. Si DJ ang nakangiti." - Kath.

Sumagot naman ako.

"Hindi Kath. Alam ko nang reason behind Julia's smile. Nakangiti lang yan dahil nakita na naman niya ako eh." - Ako.

Nag-react naman kaagad si Kath sa sinabi ko.

"Feeler alert! Feeler alert! " - Kath. 

Nagkatinginan lang kami sandali at pagkatapos ay nagtawanan rin kami.

Oo, unti-unti na rin kaming nagkakasundo ni Ms. Su- este ni Kath.

Gusto niyo bang malaman kung paano nangyari yun?

Ganito kasi yun...

*FLASHBACK*

First day na ng puspusan at madugong practice namin para sa pageant.

Pinapunta na kami sa auditorium para mag-practice dahil excused na rin naman kami sa mga classes namin hanggang sa pageant.

Pagdating namin sa auditorium, aba, si Ms. Sungit di na naman namamansin.

Mahihirapan na naman kami sa ganito eh.

Ang hirap talagang pakisamahan nitong babaeng ito.  -___-

Itinuro na sa amin ang mga magiging puwesto namin ng by pair sa opening number.

Pagkatapos niyon, sumigaw naman ang instructor namin.

"Okay! From the top! Places everyone! Alalahanin niyo, by pair ang scoring dito. So, konting pagkakamali lang, bawas na agad sa points na ibibigay sa inyo! " - Instructor.

Knotted And Tangled Love StringsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon