Chapter 31

1.4K 26 11
                                    

-Diego's POV-

"Wag mo nang katukin yan bro. Wala ka ring mapapala." - Daniel.

"Huh? Eh diba uuwi na tayo ngayon?" - Ako.

"Oh, eh ano?" - Daniel.

Bakit ba parang bad mood yata si DJ ngayon?

Parang wala siya sa mood na makipag-usap ngayon eh.

"Diba, dapat nating sabihin yun kay Julia para makapag-pack na rin siya ng bags niya?" - Ako.

"Wala nang tao diyan. Umalis na si Julia." - Daniel.

Teka, si Julia? Umalis?

Paano? Bakit? Anong nangyari?

"ANO?! Bakit?! Anong nangyari?! Saan siya pumunta?!" - Ako.

"Eh bakit kung makapag-react ka parang mas concerned ka pa kaysa sa akin?" - Daniel.

"H-ha? S-siyempre naman. Kaibigan ko siya eh. Tsaka responsibility natin siya." - Ako.

"That's the point. KAIBIGAN mo LANG siya pero kung maka-asta ka, parang ikaw pa yung boyfriend." - Daniel.

"DJ, a-ano ba yang sinasabi mo?" - Ako.

"Mag-usap nga tayo ng seryoso. Lalaki sa lalaki. May hindi ka pa sinasabi sa akin diba?" - Daniel.

"A-anong ibig mong sabihin?" - Ako.

"Hindi nga ba sinasabi o ayaw lang talagang sabihin?" - Daniel.

"DJ, hindi talaga kita maintindihan." - Ako.

"Naging kayo ni Julia, diba?" - Daniel.

Hindi ko inaasahang ilalabas niya ang tungkol doon.

Hindi ko rin inasahang malalaman pala niya at alam na niya ang tungkol sa past namin ni Julia.

Paano naman kaya niya nalaman?

Sinong nagsabi sa kanya o saan niya nalaman?

"P-paano mo nalaman yun?" - Ako.

"Oh, edi napilitan ka ring umamin." - Daniel.

"Bro, matagal na yun." - Ako.

"Ang tagal rin, Diego. Ang tagal kong hinintay na umamin kayo sa akin. Ang tagal kong hinintay na sabihin niyo ni Julia sa akin ang tungkol sa past niyo." - Daniel.

"Matagal na yun, DJ. Ayaw na naming pag-usapan yun dahil magiging awkward lang yung situation natin." - Ako.

"Sana inisip niyo rin na may karapatan din akong malaman yun dahil ako pa rin ang boyfriend ni Julia until now! Sana inamin niyo na sa akin noon pa man! Alam ko na eh! Actually, okay na sa akin yun noon dahil past niyo naman na yun eh! Hinintay ko na lang kayong umamin! Pinangako ko sa sarili ko noon na hindi ako magagalit kung umamin kayo pero anong nangyari?! Si Julia, sapilitan ang pagamin sa akin! Ikaw din! Diba sapilitan na lang din ang pag-amin mo?!" - Daniel.

"Teka nga! Bakit mo ba kailangang ilabas pa ang tungkol sa past namin ni Julia sa ganitong sitwasyon pang umalis siya? Kasalanan ko bang umalis siya?!" - Ako.

"Oo! Kasalanan mo!" - Daniel.

Ha? Kasalanan ko?

Paano ko naging kasalanan ang kagustuhan ni Julia na umalis?

Knotted And Tangled Love StringsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon