Chapter 33

1K 25 7
                                    

-Daniel's POV-

Sa classroom namin sa NatSci, nananahimik lang kaming lahat habang nakikinig sa lecture ng professor namin.

Kaming apat na dating magkakaibigan?

Ito kami ngayon, may kanya-kanyang buhay at hiwahiwalay.

Nakaupo kami sa magkakaibang sulok nitong classroom namin.

Nilingon ko ang bawat sulok nitong classroom ko at nakita ko sila Julia, Kath at Diego.

Lahat kami magkakalayo.

Ang hirap pala talagang mag-concentrate sa lessons pag may ibang iniisip.

Saan na nga ba napunta ang dati naming samahan?

Ang pagkakaibigan namin...

At lalong lalo na ang relasyon namin ni Julia.

Hindi ko nga alam kung kami pa o hindi na eh.

Gusto ko nang ibalik ang dating samahan naming apat pero hindi ko alam kung paano.

Hindi ko alam kung saan ako magsisimula.

"Ms. Montes? Are you with us?"

Nang narinig ko ang sinabing yun ng professor namin, lumingon naman ako sa kinaroroonan ni Julia.

Nakita ko siya na parang natauhan at biglang napatingin kay prof.

"M-Ma'am?" - Julia.

"Are you okay?" - Professor.

"O-okay lang po ako m-ma'am." - Julia.

Bakit ganun siya magsalita?

Para siyang nanginginig na hindi mapakali.

"You don't look like you're okay. Alam mo, simula noong nagsimula ang classes natin, napansin kong lagi ka nang ganyan. Is there something wrong?" - Professor.

"Ma'am, sa totoo lang po, medyo masama po kasi ang pakiramdam ko eh. Pwede po bang mag-stay muna ako sa clinic?" - Julia.

"Sige. Wag mong kalimutang humingi ng letter of excuse sa OCS (Office of the College Secretary)." - Professor.

"Sige po. Thank you po Ma'am." - Julia.

Pagkatapos nun, tumayo na si Julia, kinuha na niya ang gamit niya at lumabas na rin siya ng room.

Gusto ko siyang sundan para alamin kung okay lang ba siya pero isip ko pa rin ang pumipigil sa akin

Parang sinasabi ng isip ko na pairalin ko na muna ang pride ko kaya hindi ko na muna siya sinundan.

After a few minutes, napansin ko sa peripheral vision ko na may tumayong classmate ko.

Tinignan ko kung sino at pagtingin ko, si Diego.

Lumakad siya palabas ng room at hindi man lang nagpaalam sa professor.

May posibilidad kayang puntahan niya si Julia?

Ayoko na munang isipin yun ngayon.

Medyo tumagal-tagal na rin at matatapos na rin ang subject naming ito.

Pagka-dismiss sa amin ng professor namin, agad kong nilapitan si Kath.

Sa ngayon kasi, kahit papaano, siya lang ang nakakausap at nakakasama ko.

"Kath, magla-lunch ka na ba?" - Ako.

"Oo." - Kath.

"Pwede bang makisabay ulit?" - Ako.

Knotted And Tangled Love StringsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon