Chapter 39

941 24 5
                                    

-Daniel's POV-

Ito na nga ang pinakahihintay naming lahat dito.

Christmas eve na.

Christmas eve na nga pero wala pa ring signs na darating si Daddy.

Mabuti pa sigurong kalimutan ko na lang muna yun para naman hindi nila ako matawag na killjoy.

"Merry Christmas everyone!" - Kath's Mom.

"Merry Christmas! Masaya ako't magkakasama tayong lahat ngayon na nagcecelebrate ng Christmas. Thank you sa inyong lahat!" - Diego's Mom.

"So, pano po? Let's eat?" - Julia.

"Oo nga. Tara na sa dining area." - Kath.

Sabay-sabay na kaming nagpunta sa dining area at pagdating namin doon, ready na ang food.

Buffet ang style ng pagkakahanda ng food kaya isa-isa na kaming kumuha ng food namin.

Pagkatapos namang makakuha ng food ang lahat, sabay-sabay na kaming kumain sa isang area ng resthouse.

Habang kumakain, yung iba sa amin nagkukuwentuhan.

Ako?

Tahimik lang akong kumakain sa isang side.

Ewan ko ba pero wala lang kasi talaga ako sa mood na makipagkuwentuhan.

Ang weird ng pakiramdam ko ngayon eh.

Hindi ko kasi alam kung anong kahihinatnan ng gagawin ko mamaya at hindi ko rin alam kung tama ba ang gagawin kong yun.

Lahat kami napatingin sa pinto nang narinig naming tumunog ang doorbell nitong resthouse nila Diego.

"May nag-expect ba ng visitors?" - Diego's Mom.

"W-wala naman po yata?" - Julia.

"Yaya, pakitignan naman kung sino yun oh." - Diego's Mom.

Pumunta naman yung Yaya sa pinto at binuksan niya ito.

Sumubo muna ako ng pagkain ko bago tignan yung pumasok.

"Merry Christmas!"

Dahil parang pamilyar ang boses na yun, napatingin naman ako sa may pinto.

Nagulat ako sa nakita ko at hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman.

Napatayo na lang ako sabay sabing...

"Dad?"

Napako ako sa kinatatayuan ko at hindi ako nakapaglakad palapit sa kanya.

Bigla ko na lang namalayan na nasa harap ko na pala siya at niyayakap na niya ako.

"Anak, Merry Christmas! Ang laki-laki mo na!" - Daddy.

"D-Dad? I-ikaw ba talaga yan?" - Ako.

"Oo anak. Ako nga ito." - Daddy.

Kakaiba yung pakiramdam ko ngayon.

Para akong biglang nabuhayan ng loob dahil nakita ko ulit si Daddy at sa espesyal pa talagang okasyon na ito.

Nung una, hinda talaga ako makapaniwala pero nang nag-sink-in na sa utak ko ang mga pangyayari, niyakap ko na lang ng sobrang higpit si Daddy.

"Dad, sobrang miss ko na po kayo. Thank you dahil nakapunta ka ngayon." - Ako.

Knotted And Tangled Love StringsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon