Chapter 34

1K 24 3
                                    

-Julia's POV-

Bigla na lang akong hinalikan ni Diego.

Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko dahil nga biglaan ang mga pangyayari.

Ni hindi ko na nga siya napigilan at parang na-carried away na ako sa mga actions niya at napapikit na lang ako.

"Julia."

Nang narinig ko yun, bigla akong kinabahan.

Alam kong kay DJ ang boses na yun.

Nakita niya kaya kami ni Diego?

Bigla ko na lang naitulak palayo si Diego para matigil na siya.

"D-DJ? Kath? Kanina pa ba kayo diyan?" - Ako.

"Pwede ba tayong mag-usap kahit sandali lang?" - Daniel.

Si DJ lang ang sumagot sa akin.

Si Kath naman, nakayuko lang habang kinakausap ako ni DJ.

"S-sige." - Ako.

Lumakad na si DJ kaya sumunod na lang ako sa kanya sa kung saan siya pupunta.

Pagdating namin sa isang sulok ng school, tumigil na siya sa paglalakad kaya nilapitan ko na lang siya.

Pagtigil ko sa tabi niya, humarap siya kaagad sa akin.

"G-gaano na kayo katagal nandoon kanina?" - Ako.

"Actually, kararating lang namin pero nakita namin yung ginagawa niyo." - Daniel.

"D-DJ, I'm sorry. It wasn't me. Si D-..." - Ako.

"Wag kang mag-sorry. Nakita ko rin naman sa'yo na mahal mo pa rin si Diego. Hindi mo na siya pinigilan kanina diba?" - Daniel.

"H-hindi ko alam DJ." - Ako.

"Don't worry. Ayaw kong ma-confuse ka. Nandito lang ako para gawing official ang lahat." - Daniel.

"H-ha? W-what do you mean?" - Ako.

"Pero bago yun, gusto kong mag-sorry kasi nasigawan kita at nagalit ako sa'yo nung nasa Subic tayo. I'm really sorry. Masyado lang akong nagpadala sa emotions ko." - Daniel.

"Okay lang yun. I deserve it. Sorry din sa mga actions ko nung nadoon pa tayo. Hindi ko naman inexpect na ganun din ako magrereact sa mga nangyari eh." - Ako.

"Okay na din yun. Kaya nga ako nandito ngayon eh. Julia, alam naman natin siguro pareho na masasaktan lang din tayo pag tinuloy pa natin itong relasyon natin, diba?" - Daniel.

"Matagal ko nang inexpect na sasabihin mo yan at mangyayari ang ganito." - Ako.

"Sandali, makinig ka muna sa akin." - Daniel.

"Sige." - Ako.

"Pwede naman tayong maging magkaibigan na lang...ulit...diba?" - Daniel.

Dahil sa malinaw na talaga sa akin ang gusto niyang iparating, hindi ko na napigilang mapaluha.

"S-Sandali. Diretsohin na natin ang lahat. S-Sigurado ka na ba talagang gusto mong gawin ito?" - Ako.

"Kailangan na nating ayusin lahat ng gulong nangyari sa ating apat. Napagdesisyunan ko na ring sa ganito ako magsisimula habang inaayos pa natin ang lahat. Hindi naman pwedeng dalawa kami ni Diego, diba?" - Daniel.

Knotted And Tangled Love StringsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon