Chapter 30

1.3K 18 7
                                    

-Daniel's POV-

"Sorry DJ. *sobs* Magulo na kasi lahat eh. *sobs* Ayokong nagkakaganito tayo kaya ako na muna ang lalayo. *sobs* Kailangan ko lang ng space para makapag-isip-isip. *sobs* I love you. *sobs* Bye."

Ano 'to?

Nananaginip ba ako?

Panaginip ba lahat ng mga naririnig ko ngayon?

Parang totoo ang mga naririnig ko pero hindi ko lang pinapansin at natutulog lang talaga ako.

Nakarinig na lang ako na parang nagsara ang pinto kaya napadilat naman ako.

Agad naman akong napaupo mula sa pagkakahiga ko sa sofa kaya medyo sumakit ang ulo ko dahil sa sudden movement na ginawa ko.

Kung nagsara ang pinto, ibig sabihin, may nagsasalita talaga kanina?

At ang boses na yun.

Hindi ako pwedeng magkamali.

Boses ni Julia yun at narinig ko pa ang paghikbi niya kanina.

Hindi kaya...

Wag naman sana.

Sinipa ko pababa ang comforter na nakakumot sa akin at tumayo ako kaagad.

Kinuha ko na kaagad ang phone ko at tumakbo na ako palabas ng kuwarto ko.

Paglabas ko, dumiretso ako sa tapat ng hotel room nila Julia at agad naman akong kumatok.

"*tok* *tok* Julia?! Julia?! Buksan mo itong pinto, please?" - Ako.

Paulit-ulit kong kinatok ang pinto at tinawag ang pangalan ni Julia pero wala pa rin talagang lumabas.

Tumakbo naman ako papunta sa elevator at pinindot ko kaagad ang down button.

Pagkapindot ko, nagbukas na ang elevator at pumasok na rin ako dito.

After a few seconds, tumunog na ang elevator bell at lumabas na rin ako kaagad.

Dumiretso ako sa reception area at kinausap ko kaagad ang isa sa mga receptionist habang hingal na hingal pa rin ako dahil sa katatakbo at kamamadali.

"Excuse me." - Ako.

"Yes Sir?" - Receptionist.

"Pwede bang paki-check kung may tao pa sa room 204?" - Ako.

"Okay po Sir. Wait lang po, ichecheck ko po dito sa computer." - Receptionist.

Pumindot-pindot naman na ang receptionist sa keyboard ng computer.

After a few seconds, nagsalita naman na siya.

"Ai, sir, wala na pong naka-check in doon. Actually po, siya yata yung kaaalis lang kanina." - Receptionist.

"WHAT?! May nabanggit ba siya sa inyo kung saan siya pupunta?!" - Ako.

"Naku sir, wala po eh. Kasama niyo po ba siya?" - Receptionist.

"Oo." - Ako.

"Naku, sorry po sir. Hindi po namin alam kaya po hindi na rin po namin naisipang itanong." - Receptionist.

"Okay lang. Sige, thank you." - Ako.

Saan naman kaya pupunta si Julia?

Teka, nasaan nga pala sila Diego at Kath?

Knotted And Tangled Love StringsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon