Chapter 17

1.5K 23 0
                                    

(A/N): Hi guys! :))

Ito na naman ang isa pang update! :))

Comments and votes! :))

-----------------------------------------------------------------------------

-Julia's POV-

Biglang tumunog ang cellphone ko kaya nagising ako.

Pagtingin ko sa cellphone ko, si DJ pala ito, tumatawag.

Agad ko namang sinagot.

*PHONE CONVERSATION*

Julia: Hello?

Daniel: Hello babe. Good morning. Kagigising mo lang?

Julia: Ano sa tingin mo?!

Daniel: Ai. Ito naman. Ang aga-aga ang init na naman ng ulo.

Julia: Bakit ka ba kasi tumawag ng ganito kaaga? Nakalimutan mo na bang napuyat tayong lahat kagabi dahil sa pageant?!

Daniel: Sorry kung nagising kita. Si Diego kasi eh.

Sa sinabing iyon ni DJ, napabangon naman ako sa kama ko.

Julia: H-ha? Bakit? Anong meron kay Diego?

Daniel: Ang aga kasi niyang nag-yaya eh. 

Julia: Nag-yaya? Bakit? Anong meron?

Daniel: Sem break naman na daw ngayon, mag-outing daw tayo.

Julia: Tayo? Sinong tayo?

Daniel: Tayong apat. Si Diego, ako, ikaw, at si Kath.

Julia: Talaga? Kasama si bes?

Daniel: Oo. Nakapag-paalam na nga daw siya sa mommy niya eh. Pumayag naman daw. Magpaalam ka na rin.

Julia: Wait, saan daw ba tayo mag-a-outing?

Daniel: Sa Subic daw. May membership naman kami ni Diego sa Yacht Club kaya doon na lang tayo magsstay for 5 days.

Julia: 5 days? Matagal-tagal din yun ah.

Daniel: Para naman makapagbakasyon tayo. Iwan muna natin lahat ng nakakasira ng ulo na mga tests, final papers at term papers. Haha.

Julia: Sa bagay. Haha. Sige. Magpapaalam muna ako kay mommy.

Daniel: Ganito na lang. Magpaalam ka kay tita. Kung di ka pinayagan, idahilan mong sasama si Kath. paniguradong papayag yun. Haha.

Julia: Ang B.I mo talaga! Haha.

Daniel: Aray naman! As in "bad influence"?

Julia: Hindi. B.I as in "bad idea." Haha!

Daniel: Sus! Palusot 'to! Haha!

Julia: Oo na. Sige na, sige na. Magpapaalam na ako kay mommy. Bye na muna, okay?

Daniel: Sige, bye. Dadaanan ka na lang namin later.

Julia: Oh sige. Bye.

Daniel: Bye.

*END OF PHONE CONVERSATION*

Knotted And Tangled Love StringsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon