Chapter 32

1.1K 20 9
                                    

-Julia's POV-

After almost a month, natapos din ang sem break namin.

Nandito ako ngayon sa classroom namin sa subject naming Nat Sci.

Nakaupo lang ako dito at parang lutang na lutang.

Oo, nakaharap ako sa powerpoint presentation ng professor namin pero hindi pa rin ako makapag-concentrate.

Gulong-gulo pa rin ang utak ko at wala akong naiintindihan sa dinidiscuss ng professor namin.

Halos wala akong makausap ngayon.

Ang mga nakakausap ko lang, yung ibang mga classmates kong madalas nagtatanong sa akin ng  tungkol sa lessons at assignments namin.

Kung dati nasasagot ko sila ng maayos, ngayon naman, ang kadalasan kong sagot ay "ewan lang", "hindi ko alam", "ewan ko", "pasensya na"  at  "di ako nakikinig kanina eh."

Naaalala ko na naman ang mga nangyari sa naudlot naming vacation at nakakalungkot lang isipin na ganun ang kinalabasan ng lahat.

Pati yung tatlo, hindi ko na rin nakakausap kahit pa ngayon na classmates ko sila sa subject na ito.

Si Diego.

Nahihiya na ako sa kanya dahil nadadamay siya sa problema namin ngayon.

Hindi ko alam pero pakiramdam ko, siya na lang ang malalapitan ko ngayon.

Pakiramdam ko rin siya na lang ang pwede kong makausap ng matino.

Pero kahit ganun, nag-aalangan pa rin akong kausapin siya dahil nga sa nangyari sa naudlot na bakasyon namin.

Isa pang dahilan kung bakit nag-aalangan ako, kasi nga alam ko nang nililigawan na pala ni Diego si Kath.

Baka kung ano pang isipin ni Kath kung sakaling nakita niya kami ni Diego na nag-uusap.

Si Kath.

Namimiss ko na ang bestfriend ko. :"(

Wala akong nasasabihan ng mga problema ko ngayon at sobrang bigat na ng nararamdaman ko.

Halos gabi-gabi kong iniiyakan yung naging pag-aaway namin nung huling gabi ko doon sa bakasyon namin.

Pinagsisisihan ko na talaga lahat ng mga masasakit na salitang sinabi ko sa kanya noong gabing yun.

Napakabait ng bestfriend ko at alam kong hindi niya kayang gawin yung mga pinaratang ko sa kanya.

Hindi niya deserve na masabihan ng mga ganun kasasakit na salita.

Inunahan lang talaga ako ng galit ko kaya mali ang mga ikinilos ko noon.

Hindi ko siya hinayaang mag-explain at nagalit na lang ako sa kanya.

Ngayon, gusto ko nang makipagbati sa kanya.

Kaya lang, nag-aalangan din akong lumapit sa kanya at makipagbati.

Nahihiya na rin kasi ako sa kanya dahil sa mga nasabi ko sa kanya.

Pakiramdam ko, wala na akong mukhang ihaharap sa kanya. :"(

Si DJ.

Hindi ko na alam kung anong nangyari sa amin...

...Sa relasyon namin.

Pagkatapos ng mga nangyari doon sa bakasyon namin, hindi ko na alam kung kami pa ba.

Pinagsisisihan ko na rin na hindi ko sinabi sa kanya ang tungkol sa past namin ni Diego.

Knotted And Tangled Love StringsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon