Chapter 41

984 26 12
                                    

-Kath's POV-

Tapos na naman ang Christmas at New Year.

Isang buwan na rin ang lumipas simula noong naganap yung dalawang annual occasions na yun.

At dahil sinimulan ko ang pagbibilang sa mismong Christmas, doon na rin nagsimula ang isang buwan.

Isang buwan na nga palang namamalagi ang Daddy ni DJ dito.

Syempre, masaya ako para sa kanila.

Yung matagal nang hiniling ni DJ na makasama niya ang Daddy niya, sa wakas natupad din.

Tuwing nakikita ko silang magkasama, napapansin ko namang napakasaya nilang dalawa.

Magkasundong-magkasundo si DJ at ang Daddy niya.

Nakakatuwa nga kasi pati mga kalokohan ni DJ sinasakyan ng Daddy niya eh. Haha. :)

Bukod doon, may isa pang mahalagang pangyayaring isang buwan na ring naganap.

Yun ay ang panliligaw ni DJ sa akin. :)

Isang buwan na rin akong nililigawan ni DJ.

Sus! Araw-araw na kaya siyang pumupunta sa bahay namin para lang bisitahin ako. Haha :)

Pag pumupunta pa yun sa amin, may dala pa siyang kung ano-ano!

Kung minsan, may dalang bouquet ng flowers.

Kung minsan naman, may dala siyang chocolates.

Kung minsan din, may dala pa siyang baked goods!

Ang masaya pa niyan, hindi lang ako ang binibigyan niya kundi pati si Mommy at Daddy meron din! :)

Grabe lang manligaw itong si DJ eh noh?

Syempre, naaappreciate ko naman yung efforts niya sa panliligaw niya sa akin. :)

Noong mga nakaraang araw din, unti-unti kong narealize na mahal ko na pala si DJ.

Tignan niyo?

Mga simpleng bagay lang din ang ginawa niya para sa akin pero nahulog ako kaagad sa kanya.

Haay...napakabilis naman kasing magdesisyon nitong puso ko eh.

Samantalang yung utak ko, iniisip pa kung ano yung dapat kong gawin.

Sa totoo lang, natatakot din ako ngayon eh.

Natatakot ako na ngayong nahulog na ako para kay DJ, baka hindi niya ako saluhin katulad ni Diego.

Handa na nga ba ulit akong pumasok sa isang relasyon?

Alam niyo, naiisip ko rin yung mga sabi-sabi nila eh.

Diba nga daw, sabi nila, ang pinapatagal daw, relasyon at hindi ang pagliligawan.

-Daniel's POV-

Papunta na naman ako kila Kath ngayon.

Para ano pa nga ba?

Edi para manligaw pa rin sa kanya. Haha :)

Haay...kailan kaya niya ako sasagutin noh?

Ang tanong nga lang, kung sasagutin ba niya ako o babastedin niya ako.

Alam ko namang hanggang ngayon takot pa rin siyang magmahal ulit eh.

Sa mga nakaraang araw na pinupuntahan ko siya sa bahay nila, nakikita ko naman siyang ngumiti.

Makita ko lang yung mga ngiting yun, masaya na ako eh.

Pakiramdam ko rin, worth it ang pagpunta ko doon tuwing nakikita ko siyang masaya.

Knotted And Tangled Love StringsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon