Chapter 26

1.3K 22 4
                                    

-Daniel's POV-

Kinabukasan, niyaya ko silang tatlo na magbreakfast.

Pumayag naman silang lahat.

This time, sa buffet muna kami kumain para maiba naman.

Pagkakuha namin ng pagkain, umupo na kami sa isang table na may apat na chairs.

Magkaharap kami ni Julia at magkaharap naman sila Kath at Diego.

Tahimik lang kaming kumakain.

Si Kath at Diego, napansin kong hindi makatingin sa isa't isa at nananahimik lang.

Naiintindihan ko naman kung bakit ganyan silang dalawa eh.

Pero nakakabingi kasi ang katahimikan kaya naisip kong magsalita na.

"Guys, sa Treetop Adventure tayo ngayon, diba? " - Ako.

"Yep, yun naman ang plano natin, diba babe? " - Julia.

Sige, si Julia na lang talaga ang kausap ko.

Wag kayong kumibong dalawa ha?

Magandang gawain yan. -_____-

"Kath, Diego, ano? Tuloy pa ba tayo sa Treetop Adventure? " - Ako.

Yung dalawa naman, bahagyang ini-angat ang ulo.

"A-ako, okay lang sa akin." - Kath.

Finally! Nagsalita din.

"O-okay lang din sa akin." - Diego.

"Ayan, buti naman at nagsalita kayo. Masyado nang tahimik eh. Haha." - Julia.

At dahil sa sinabi at pagtawa ni Julia, naging awkward na naman ang lahat. -____-

"Uhm, guys, una na muna ako para makapag-prepare na ako." - Diego.

"Sige bro." - Ako.

Alam kong awkward na naman para kay Diego ang sitwasyon kaya hinayaan ko na lang muna siyang umalis.

"DJ, bes, ako rin, akyat na muna ako sa room para makapag-ayos na rin ako." - Kath.

"Sige bes, susunod na rin ako." - Julia.

"Okay." - Kath.

Pagkatapos magpaalam ni Kath, lumakad na siya palayo.

Naiwan na naman kaming dalawa ni Julia dito.

"Kailan kaya magkaka-ayos yung dalawang yun?" - Julia.

"Oo nga eh. Hindi tayo makakapag-enjoy kung ganyan sila pareho." - Ako.

"Mabuti pa sigurong magka-aminan na sila sa isa't isa. Tutal, pareho naman silang single and ready to mingle eh. Haha." - Julia.

Kamuntik ko nang mai-buga ang iniinom kong coffee nang marinig ko ang sinabi ni Julia. >.<

Buti na lang nai-lunok ko na muna. >.<

Yun nga lang, nasamid pa ako. >.<

"*cough* *cough* " - Ako.

"Babe, okay ka lang?" - Julia.

"A-ah, oo. *cough* okay lang ako. Hindi ka ba a-affected doon sa sinabi mo?" - Ako.

Knotted And Tangled Love StringsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon