Chapter 16

1.4K 25 5
                                    

(A/N): Hi guys! :))

Ito na naman ang isa pang update! :))

Comments and votes! :))

-----------------------------------------------------------------------------

-Kath's POV-

Pumasok na kami ni bes sa dressing room para sa pagpapalit at pag-aayos ko para sa Q and A.

Pagpasok naman namin at pagsara niya ng pinto, sabay naman kaming nagbuntong-hininga.

"Bes, hindi ako nakapaniwala sa nakita ko kanina." - Julia.

"Ako nga rin bes eh." - Ako.

"Oh bes? Anong problema? Bakit parang ang tamlay mo? Diba dapat ako pa nga ang namomroblema dito dahil nagkita na naman kami? Or baka naman may sakit ka? Naku! Hindi pwede bes! " - Julia.

"Bes? OA?! Okay lang ako noh. Sige, diyan ka na muna. Magbibihis na muna ako. Wait mo na lang ako ha? " - Ako.

"Bes? Sure ka ba talagang okay ka lang? " - Julia.

"Oo nga bes. Ang kulit lang? " - Ako.

"Ai. Sorry naman. Pwedeng mag-sorry? Pasensiya naman kung inaalala lang kita ha? " - Julia.

"Sige. Bihis muna ako. Salamat sa pag-aalala." - Ako.

Pumasok na lang ako sa cubicle para magpalit ng damit.

Pagkatapos kong magpalit ng damit, lumabas na ulit ako.

"Ano bes? Okay ka na? Pwede na ba kitang i-retouch? " - Julia.

"Oo bes." - Ako.

"Sige bes, upo ka na dito sa upuan para makapagsimula na ako sa pag-re-retouch sa'yo." - Julia.

Pagkatapos niyon, umupo na rin ako sa upuan at nagsimula na rin si bes sa pagreretouch sa akin.

After a few minutes, natapos na rin siya.

"Oh bes, upo ka na muna diyan para di na mag-smudge yang makeup at lipstick mo ha? " - Julia.

"Sige bes, dito na lang muna ako. Mamaya na ako lalabas." - Ako.

"Okay, sige. Labas lang muna ako sandali ha? " - Julia.

"Okay." - Ako.

Pagkatapos niyon, lumabas na si Julia at naiwan ako dito sa dressing room.

Naaalala ko na naman ang mga pangyayari kanina.

Bumalik na siya.

Nandito na siya ulit.

Si Diego...

Ang lalaking minahal ko ng patago noon pa.

Alam ko naman kasing hindi pwede dahil sila pa ni bes noon.

At ayaw kong magkatampuhan kami o mag-away kami ni bes ng dahil lang sa kanya kaya pinili ko na lang siyang mahalin ng patago.

Pero ngayong wala na sila ni bes at may iba na si bes...

May pag-asa na kayang mahalin niya ako ng pabalik?

-Julia's POV-

Habang nandito kami sa backstage, dumating na naman ulit ang isa pang crew.

Knotted And Tangled Love StringsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon