Chapter 04

28 3 0
                                    

"tapos kana maligo."tanong sakin ng lalaki hindi ko alam na lumapit pala sa may tabi ko humarap naman ako sa kanya upang sagutin ang tanong nya na iyon.

"Oo balik na ako sa villa."mahinahon kong tugon pero nasa kanya parin ang atensyon, tumango lang sya at umupo sa may banda buhangin sa kinatatayuan nya kanina. Umalis nalang ako at hindi na sya liningon pa ulit dahil umupo lang sya doon at tumingin sa dagat sa harap nya kaya umalis nalang ako dahil hindi maganda ang nangyayari saakin.

"Lev bakit humahon kana na agad?"salubong ni tita sakin mama nila tine,"-sumunod sayo si ry ahh."Nakita nya ata na nagulat ako kaya kumunot naman ang kanyang noo."hindi ba kayo nagkita iha kanina ka pa nun hinahanap nag-alala ata sayo ang pinsan mo." Sambit nya ngumiti naman ako ng mapakla dahil sa sinabi nya hindi ko alam pero may parte sakin nasaktan na parang binubogbog ako at hindi ko kayang maglaban at tanging pagtahimik at indahin nalang ang sakit ng nararamdaman dahil hindi ko kayang sumigaw.

"Nagkita na po kami kanina iniwan ko po sa may dalampasigan kasi po nilalamig na ako." Katwiran ko mukhang sumang-ayon naman sya sinabi ko at naniwala kaya tumango sya sakin.

"O sya sige mag-anlaw kana?Sabay na tayo umakyat sa taas kasi may kukunin rin ako sa iyong tinutuluyan."tumango nalang ako at ngumiti sakanya dahil wala nman akong masagot.

"Buti naman lumalapit na ang loob nyong dalawa ni ry dahil noon hindi man lang kayo nagpapansinan kaya nagtataka kami dahil ngayong dalawa lang ang nagkakailangan dahil sa iba naman ayus lang akala namin tuloy magka-away kayo." Sambit ni tita habang naglalakad kami papuntang silid namin.

"Hindi naman tita baka po naninibago lang po kami dahil hindi naman po talaga kami malapit sa isa't jsa simula noon po." tugon ko pero nasa daan parin ang tingin ko napagtango naman sya doon kahit hindi ako nakatingin sakanya pero nakita ko sa gilid ng mata ko.

"Sabagay mga bata pa naman kayo-pero ngayon may isip na din kayo kaya mabuti nman gusto lang namin na nagkakasundo kayong magpipinsan para saatin na din baka sabihin ng iba may matinding alitan na nagaganap sa pamilya natin."

Natawa nalang kaming pareho at napatango nalang ako sa sinabi nya. Hindi ko din alam dahil simula ng mga bata kami noon sa elementarya at ayaw ko na talagang mapalapit sa kanya dahil hindi ako komportable sa presensya nya at bawat galaw nya ay nangamgamba ako at kinakabahan ako hindi ko alam, ngayon namn lalong lumalala ito dahil nagiging malapit na kami baka nga tama rin ang sinabi ko kanina na naninibago lang ako, pero iba parin eh hindi ganito ang pakikitungo ko sa iba lalo sa ibang naming pinsan na lalaki sakanya ko lang talaga nararamdaman to.

pano kaya kami naging magpinsan!Baka si tine lang ang pinsan nya at hindi naman kami o ako kasi magka-apeliyedo sila syempre kapatid ng ama ni tine ang ama ni ry tapos!

Baka ako lang ako nag-iisip ng ganito!Anong klaseng utak to.

Hindi ko alam dahil pati ako naguguluhan din eh ang hirap naman bakit iniisip ko yun sabi na rin nila tita na pinsan ko nga raw ang lalaki at magpipinsan kami pero bakit nagdududa parin ako.

Bakit gusto kong komuntra na baka hindi kami pagminsan o mag relatives man lang. Kung magpinsan man kami Sana hindi nalang.umiling iling nalang ako at pinagpatuloy ang pagligo ko kahit ano nalang ang nasa isip ko argh!

Ang Bata mo pa 13 ayus ka palang ganyan na iniisip mo gaga!

"Gurl omg!."Ganun nalang ang gulat dahil sa paglabas ko ng kwarto bigla nalang ako niyakap ni tine at yinugyog ang dalawang balikat ko."-omg talaga alam mo pinadalahan ako ng love letter ni kendrick omg binigyan nya rin ako sa wakas dahil nman ilang beses na akong nagpapadala ng love sa kaklase nyang lalaki ngayon tumugon na kyahhhh."

Waves Of Pain ( High school series)Where stories live. Discover now