Chapter 19

20 1 0
                                    


"Kanina pa kayo tahimik huh!Mangyari ba,tine?"

"P-po wala po."

Tugon ni tine sabay harap sa akin ganun na din si tita lalo lang akong kinabahan at pinangunahan ng takot kaya yumuko ako at kumain nalang alam naming nakatingin sami si tita devina at tinitingnan ang bawat kilos namin.

"A-ah tita pagod lang po kami p-po." Kinakabahan na tugon ni el at bahagyang sumulyap sakin pero agad ding umiwas hindi ako makatingin sa mga mata ni tita dahil sa takot na nararamdaman.

"Tsk!Siguraduhin nyo lang na wala kayong tampuhan,pumunta lang kayo sa emerald naging ganyan na kayo,hindi ko kayo,maintindihan sila ry at ethan at nash ayaw sumabay sainyo,si ian kanina pa mag isa iyon at hindi sumasama sa tatlo,umayos kayo huh!Mananagot kayo sakin." Mataray na sambit ni tita at tinuro pa kami ng tinidor hindi nalang ako nagsalita at kumain nalang kahit nanginginig na ang aking kamay pero inayos ko ang aking kilos pero hindi ko padin mapigilan ang kaba at takot nararamdaman.

"m-mauna na po kami tita sa kwarto." Sabay baling sakin ni tine at el wala na din akong nagawa kundi tumayo na din,tumango nalang si tita at tinitigan kami ng masama pero ngumiti din ng tipid pero hindi parin maalis ang mataray na mukha. Nauna na si el pero si tine hindi pa sumunod at bumaling sakin kaya nauna na ako sa kanya shaka lang sya sumunod sakin.

"Levi sandali."

"P-po tita." Napahinto naman kaming tatlo dahil sa sigaw ni tita sakin,tinaas nya pa ako ng kilay kaya umayos ako ng harap sa kanya.

"Pakitawag sila ry sa taa-"

"ako na tita ang tatawag." Putol ni tine sa sasabihin ni tita tumingin sakin si tine at pero walang bakas na reaksyon doon kaya umiwas nalang ako at tumingin kay el nakita ko naman sa mukha ni el ang lungkot at sakit para sakin pero kahit hindi sya magsalita alam kung ganun nga ang mararamdaman nya para sakin.

"ok tine." Lumaylay nalang ang aking balikay dahil sa tugon ni tita nakita ko naman na bumaling sakin si tine pero hindi nya ako pinansin at diretsyo lang at linagpasan kaming dalawa ni el.

"Tara na levi." Tumango nalang ako sa sinabi ni el at hindi na sya hinantay pa at nauna dahil sa nagbabadyang luha na namumuo sa akin mata hindi ko na napigilan ito dahil basta nalang itong bumagsak.wala ba kayong tiwala sakin. Kahit tingin nalang pagbigyan nyo naman para mabawasan kahit kaunti.

"Levi-pasensya kana pero kailan eh." El

Hindi nalang ako nagsalita doon at humiga nalang sa kama at kinuha ang libro na aking binabasa at hinarap ito sa aking mukha para matakpan ito dahil sa labo ng paningin ko dahil sa namumuo nanaman na luha sa aking mata. Hindi ka ba napapagod ako kasi pagod na eh.

" ayaw ko sanang ibigay to sayo,kaso mukhang kailangan mo."

Napaharap naman ako sa babae at tumingin sa linahad sa aking ang isang pirasong papel na nakatiklop.

"A-no to." Sabay punas ko sa aking mukha at umupo sa kama at nakatayo sya sa harap ko.

"A-no papel!" Natawa naman sya sa reaksyon pero napawi ito kaagad at naging seryoso."Inabot nya yan sakin kanina noong lumabas ako,ayaw ko sana pero mahal ko kayo eh-ano yung nasasaktan sa sitwasyon nyo kaya tinanggap ko nalang yan,wala ka daw cellphone eh kaya heto nalang."

Hindi ko alam pero imbes na kunin kaagad ang papel pero yinakap ko ng mahigpit ang baywang ni el at kumalas at ngumiti sa kanya pero may luha sa akin mata.

"Sa-salamat." Garalgal kong sambit,umirap naman sya doon at umupo sa sofa sa tapat ng kama medyo malayo sakin pero magkaharap kami.

"Ayaw ko talaga nito levi eh-feeling trinatraydor ko sila tine lalo na ang pamilya natin,may tiwala ako sayo levi sana nasa tama ang desisyon mo."

Waves Of Pain ( High school series)Where stories live. Discover now