Chapter 03

41 3 0
                                    

Muntik na akong mapatalon sa kinatatayuan ko dahil sa pag-angat ko nakita ko ang lalaki sa harap ko na naka pamaywang lang at nakatingin sakin.

Kaya linapag ko ang hawak kong lagyanan ng pandilig sa halaman.

"Bakit?"sabay tingin sakanya na ngayon pinagmamasadan parin ako.

"Pinapasundo ka nila sakin maliligo daw tayo sa camarines sur sa beach kasama ang pamilya nila tine." Sambit nya wala na akong masabi dahil alm ko na iyon na aalis nga daw ang ang pamilya nila tine at tina kasama sya baka kasama sila kaya pinasundo nila ako sa lalaki.

"Hindi pa ako nagpapaa-"

"Alam na nila tito at lola napaalam na kita kasi sila ang naabotan ko kanila sa labas tinuro nila sakin kung saan ka." Tumango nalang ako at pinunas ang kamay ko sa aking damit,naglakad nalang ako at nakasunod naman sya sa aking likod pero alam kong nakatingin sya sakin kahit hindi ko nakikita pero nararamdaman ko.

"Buti naman at magkasama na kayo, levi napaalam kana ni ry kaya naka ayos na ang iyong damit papunta doon." Tumango nalang ako at pumasok sa loob, hindi ko inaasahang sumunod parin sya sakin kaya hinarap ko na.

"Hintayin mo nalang ako dito maliligo lang ako." Sambit ko tumango nman sya doon at umupo sa sofa sa likod nya at naka dekwatro pa at linigay ang dalawang kamay sa gilid ng sofa.
Tumalikod na lang ako at hindi na ulit sya kinausap at deretsyong umakyat papuntang kwarto. Maganda talaga doon at hindi ko na mapigilan ang pagngiti habang inaayos ang sarili ko.

"Tapos kana" Tumango nalang ako at ngumiti sakanya tumayo nman sya at inayos ang kanyang damit at naunang lumabas, ang tagal nya yata naghintay dyan kung kaninang iniwan ko sya ganun parin ang posisyon nya paglabas ko ganun parin. Hindi sya nabangot dun!

Lumaki ang mata ko paglabas ng pinto ng bahay dahil nandun ang mga pinsan ko na nakaupo sa may kubo na may mga dalang bag pack, nang makita ako ni el agad naman syang kumakaway sakin kaya ngumiti habang naglalakad pa punta sa pwesto nila.

"Tayo nalang ang pagkakasabay, dahil nauna na ang matatanda satin pati ang nakakabangot sumabay sa kanila puro sa negosyo ang kanilang pinag-uusap eh." Mataray na sambit ni tina na simamaan naman ng tingin ni tine umiling nalang ako sa kanyang tinuran ang mga lalaki naman ay seryoso lang.

"Tara na" Yaya ni nash at nauna ng maglakad tumayo na din ang magkapatid at sumunod si el nman ay lumapit sakin at kumapit sa braso ko wala na akong nagawa dahil hila hila nya na ako, ang lalaki nman ay nasa likod nman dalawa na seryoso lang nakatingin.

"Alam mo cous tine meron na ulit akong bagong crush sa grade 8." Sambit nya kaagad magkapasok naming lahat sa sasakyan lumingon naman ang babae saming dalawang nasa likod nya.

"Sus!Sino ba iyan baka naman yung akin yan huh!" Sambit nya habang nakataas ang isang kilay nya.

"Bakit anong pangalan naman nung- sayo." Sigaw ng katabi ko napa iling nalang ako dalawa.

"Kendrick." Deritsyong sambit ni el,umirap naman itong katabi ko at nagcross arms ng braso sa may dibdib.

"Tss! Maghahanap nalang ako ng bago." Sambit nitong katabi ko kaya natawa nalang ako at umiling sa kanila kami lang ata ang nakakarinig dahil ang iba naming kasama may kanya kanyang ginagawa.

"Sus!ikaw ba levi Sino crush mo."muntik na akong mamasid sa biglaang tanong nya kaya kumunot naman ang noo ng dalawa nagulat nalang ako ng tinginan ko ang mga ksama namin nakatingin na din pala sakin at kita sa kanilang mga mukha naghihintay sila ng sasabhin ko, kanya ngumiti ako ng mapakla.

"Ah-wala pa eh." Na pa oh naman ang dalawang babae at ang dalawang lalaki naman ay napangiti nalang at ang lalaking nasa tabi ko seryoso parin nakatingin satin.

Waves Of Pain ( High school series)Where stories live. Discover now