Chapter 33

15 2 0
                                    

Dalawang araw na nakalipas simula ng nag burdeos kami wala naman nangyari sakin sa dalawang araw na iyon kundi manatili sa loob ng bahay kaya ngayon araw na nanaman ng pasukan.

Hindi ko alam pero ganun nalang ka excited ko na maglunes.

Maaga akong nagising dahil isasabay daw ako ni tito sa kanya dahil dadaanan naman nya ang school ko kaya isasabay nya daw ako. Hindi na ako tumanggi at sumama na kaya ngayon napili kong tumambay muna sa may ilalim ng acacia.

Marami rami na din ang istudyante ang papasok at naglalakad sa paligid.

"Good morning levi?" Ani ng babae kaya tumango ako at kumaway din,hindi ko sya kilala pero ngumiti nalang ako at kumaway para batiin din sya.

Umiling nalang ako dahil ang dami sakin nakakilala pero hindi ko naman kilala.

Wala pa ang mga pinsan ko dahil maaga pa nga.

Nakita ko naman ang grupo nila chantal sa hindi kalayuan,umiwas ako kaagad ng tingin ng tumingin sila sakin. Kaya ganun nalang kalakas ang kaba ko dahil tinuro pa ako ng noong isang lalaki sa grupo nila at tumango naman si chantal doon,kaya dali dali akong umiwas.

Tumayo nalang ako at hindi na lumingon pa sa gawi nila at naglakad para doon nalang salubungin sila El sa gate.

Pinagtsitsimisan ko!

Madami dami na ang istudyante.

"Levi?" Ani ni el

Kumaway din ko sa kanya at huminto sa lakad para hintayin nalang sya na lumapit sakin, kumaway din si tine kaya ngumiti nalang ako at naghintay.

"Ang aga mo naman?" Bungad ni tine pagkarating.

Tumango nalang ako doon."Sinabay ako ni tito eh dadaan naman kasi sya dito." Ani ko

Tumango naman ang dalawa doon. Tumingin ako sa likod at luminga.

"Kami lang,hindi sumabay si ry eh?" Napansin ata ni el ang pagtingin ko sa gate kaya nasabi nya iyon.

Bakit sinabi ko bang sya iyong hinahanap ko. Sya nga?

"Sila nash?" Ani ko

"Nandun pa sa labas maaga pa daw." Tugon ni el

"Tara na dun sa acacia muna?"Turo ni tine sa pinanggalingan ko kanina.

Tumango nalang ako at sumunod sa kanila pero hinintay ako ng dalawa at sinabay parehas ang kamay nila sa aking braso.

Tahimik ako hanggang pagpasok sa loob ng silid.

Hindi ko sya nakita. Pumasok ba sya.

Ayus pa naman kami noong isang araw diba, nag-usap pa kami bakit ngayon iba nanaman. Nagtanong ako kay miguel kanina yung ka teammate nya sa basketball sabi wala daw training,kung ganun nasan sya.

"Ms. Salazar?"

"P-po ma'am" gulat kong baling kay ma'am.

Napailing naman sya doon at lumapit sakin kaya kinabahan ako.

"Isulat mo muna ito sa blackboard,kanina ka pa tulala dyan!".Ani nya.

Hindi nalang ko sumagot at kinuha nalang ang libro at ang pangsulat.

Hindi na ako lumingon sa mga kaklase ko at sa banda nila Clara dahil nakakahiya na naman ang inasta ko dahil sa pagiging tulala ko naman.

"May meeting lang kami class kapag time nyo itigil na ang pagsusulat Ms.Salazar?"

Tumango nalang ako kay ma'am kaya ngumiti nalang sya sakin at kinuha ang kanyang bag. Narinig ko pa ang pag papaalam ng mga kaklase ko sa kanya pero nagpatuloy ako sa pagsusulat at hindi na bumaling pa.

Waves Of Pain ( High school series)Where stories live. Discover now