"bilisan mo na kanina pa nagsisimula ang laban."
Sigaw ni el sa labas ng pinto ng room namin inaayos ko pa kasi ang attendance namin.
"Ang tagal mo."
"Eh."
"Kanina pa iyon nagsimula."
Reklamo nya sakin at kinapit ang kanyang braso sa aking braso.
"Tsk! First quarter palang naman." Sambit ko umirap lang sya at sinuklay ang kanyang buhok gamit ang kamay.
Kanina pa ito excited manood ng basketball nila nash at ry pero ako hindi ako makatanggi dahil alam kong tataray lang ako nito.
Kanina ko pa ayaw talagang manood pero wala na akong magagawa,ako itong nenerbyos eh.
Parang may hindi magandang mangyayari sakin ngayon dahil sa lakas ng pintig ng aking puso.
My heart was still pounding and it was accompanied by a cold climate due to the wind.
"Wag na kayo tayong manood."
Umirap lang sya at hinampas ako, ngumuso nalang ako doon at tumingin nalang sa daan.
Lakas ng kaba ko eh!
Daig ko pa ako ang maglalaro doon dahil sa kabang nararamdaman ko.bwiset nman!
Ngayon ko lang kasi makikita maglalaro si ry kasama sila nash at iba pa naming pinsan at may kalaban pa, kapag kasi nanood ako wala naman iyong lalaki kapag nandyan ako. Nag-iiwasan pa kasi kami non.
Ngayun pa kaya!
Hindi pa kami masyadong nakakalapit sa may court pero dinig na namin ang sigawan at hiyawan ng mga istudyante,ng tuluyonan kaming nakapasok puro sigaw ang bumungad sakin at puno ang loob ng Court kahit nasa bukana palang kami. Ang liit ko naman tingnan! Dahil sa mga nakaharang na matatangkad na ito!
Feeling ko tuloy lahat ng istudyante sa aming paaralan ay nandito pero alam kong hindi naman dahil marami rami din ang naiwan doon ang iba pa ay mga senior high at may mga nobyo pa!
"Woohohh."
"Go my love."
"Bet ko yung number 11."
"Akin kana number 05."
Umirap nalang ako doon dahil lahat sila gusto ang number 11. Tsk! Ry!
" Go yellow pathers."
"Go Red warriors."
Ang ingay nyo.
"Yan second quarter na cous." Bulong ni el sakin.
Sumingit sya at hinigit ako hawak nya ang kamay ko kaya wala akong magagawa kundi ang sumunod sakanya, may nakakabangga na ako kaya yumuyuko upang humingi ng pasensya dahil doon.
Natampal ko nalang ang aking noo dahil naaninag ko si tine na kumakaway samin sa may banda unahan pa at tinuro ang tabi nya na bakante. Prepare!
"Ang tagal nyo."
Bungad nya samin tumango naman sila tina sa may likod namin kasama pa ang iba naming kasamahan.
"Nakipag-away na ako dahil sa pag rereserve ng upuan sa iyong dalawa." Tine
"Ang tagal kasi nitong si levi eh." Turo sakin ni el.
"Kanina pa." Tine ulit!
Hindi nalang ako nagsalita dahil totoo naman kaya ko lang tinatagal kasi akala ko talaga mapipigilan pero wala parin heto ako nakaupo at nanood.
![](https://img.wattpad.com/cover/285131785-288-k446252.jpg)
YOU ARE READING
Waves Of Pain ( High school series)
Teen FictionBlurd: High school romance sweetheart. Maintindihan mo kaya ang dahilan bakit mo ito nararamdaman.Pano kung lahat ng ito ay nangyari na sa nakaraan ito ba'y hahayaan mo nalang muling mangyari o ikaw ay mahuhulog din tulad ng dati. "Hanggang sa ago...