Chapter 30

17 2 0
                                    

Nakatulala ako pag-uwi hindi ko din kinausap sila El na kanina pa nag dadaldal sakin pero tumatango nalang ako pero hindi ko din maiitatangi na kanina ko pa sila napapansin na tudo lingon sakin pero walang sinasabi.

"Apo tumawag ang mama mo sa march ay uuwi sya sigurado na daw iyon."

Rinig kong sambit ni lola sa banda kusina dahil nasa sala ako hindi nalang ako sumagot doon at nakatingin parin sa tv ang atensyon.

"Ate uuwi na daw si mama?"

Tumango nalang ako sa sinabi ng kapatid ko tumingin pa sya sakin at nakataas ang kilay pero umiwas din sya ng hindi ko sya pinansin.

Kumulong ako sa loob ng kwarto ng pagsawa ako sa sala at dito naupo at nakatingin sa bintana,nakikita ko tuloy dito ang dagat dahil tanaw iyon.

Ang alon na sumasayaw sa bawat agos ang maayos at makalma ng tubig at hangin ang naririnig ko.

Hindi ko alam kung bakit ganito ako hindi ko kayang makipag usap mas gusto ko nanaman na kumulong at ma pag isa nalang palagi.

Hindi ako nagulat ng makita ko si ry sa may dalampasigan kahit malayo sya alam kong sya iyon kahit tingdig nya palang.

Ang layo mo talaga?

Hindi ko maintindihan kung anong pumasok sa isip ko at bumaba ako sa at naglakad palabas at nakikita nalang ang sarili ko na papunta na sa kanyang deriksyon.

"Anong ginagawa mo dito?" Malamig nyang tugon na sinabayan ng malamig na hangin.

Hindi ako makasagot sa sinabi nya dahil hindi ko din alam kung bakit ako nandito sa tabi nya ngayon kung ilan araw ko syang hindi pinansin at kinausap man lang.

"Nagpapahangin lang?"

Tumango naman sya doon at linagpasan ako hindi ko alam pero ngumiti ako ng tipid doon pero may parte sakin ang masakit at para akong naiiyak dahil ata sa hangin.

"Aalis kana?" Maayos kong tugon hindi sya sumagot doon at naglakad lang habang ang paa ay nasa tabi ng dagat at nababasa ito.

"Uwi ka na levi?" Sambit nya pero malumanay lang iyon at tumingin sakin.

"Dito muna ako?" Ani ko kaya napatingin sya sa akin pero seryoso lang pero ang tingin na may pagbabanta.

"Ayus ka ba!" Sarcastic nyang tugon sakin kaya natawa ako.

Hindi ko alam kung ayus pa ba ako?

Dahil pati buhay ko at sarili ko ang gulo gulo!

"-hindi ko alam kung anong nangyayari sayo levi,sabi ni lola hindi nya alam kung anong problema mo nag iisip ka pa ba,malayo ka na nga,mas lumalala pa,kahit ang lapit lapit mo na?" Sigaw nya sakin kaya hindi ko alam kung bakit pumatak ang luha ko doon.

Hindi ko din alam ang sarili ko?

Kahit ako hindi ko kilala ang sarili ko!

"-mas mabuti ngang lumayo ako sayo kung nasasaktan ako alam kung mas matindi ang dulot nito sayo."

"sa-sabi mo mahal mo ko." Garalgal kong tugon,nakita ko naman ang gulat sa mata nya doon,at namumula na mukha.

"Magpinsan tayo levi,mali ang nararamdaman ko baka nalili-"

"Hindi tayo pag pinsan?" Sigaw ko pero kahit alam ko ang totoo."Kasi yung ang pinaniniwalaan ko baka kaya ganito ang nararamdaman natin dahil hindi talaga tayo magkadugo diba-"

"Mababaliw ka na?" Sigaw nya kaya lalo lang ako umiling at umiyak,hindi man dahilan ang lahat kaya ganito dahil may dahilan.

"Hindi diba ry mahal ko diba hindi tayo pagpinsan kaya ganito ang nararamdaman natin sa i-isat isa-"

Waves Of Pain ( High school series)Where stories live. Discover now