Nasa gitna namin ang bonfire dahil nakabilog kaming lahat dito katabi ko si el at tine maliwanag din ang buwan at marami ding mga turista pero medyo malayo ang pwesto may mga naglalakad sa tabing dagat habang binabasa ang kanilang mga paa o talampakan.
Subrang ganda kapag ganitong gabi lalo na kapag nasa Beach at kabilogan ng buwan habang ang agos ng alon ang nag papaingay sa kapaligiran at ang mga taong nagtitilian.
" Alam mo ma miss ko to kapag pasukan nanaman." Si tine tumango nman si el bilang pag sang ayon ako naman tipid na ngumiti nalang habang nag susunog ng marshmallow na hawak ko.
" Ate! Kumusta kana pala dun sa Kendrick mo huh! Anong balita doon?" singit agad ni tina habang nanguya ng marshmallow sa kanyang bibig.
Napairap naman si tine." Haysss! Paasa ang kingina! Pabigay bigay pa ng love letter sakin may girlfriend pala gagawin pa akong kabit."
Natawa naman kaming lahat doon pati na rin ang mga lalaki.
"Buti nalang nakaagap pala ako hehehehe." Natatawang tugon ni el.
Lumingon naman kami sa nagbato kay tine ng shinelas si nash pala na humahagikgik ganun nadin ang iba.
Napabaling naman ako kay ry dahil sa inabot nyang isang pirasong marshmallow sakin tinanggap ko naman agad dahil hindi ko kakayanin ang titig nya sakin.
Magharap ko sa kanila ganun nalang ang hiya ko dahil lahat sila ang atensyon samin kaya yumuko nalang ako at kinain ang binigay ng lalaki.
Napaubo naman ang katabi kong si el pero hindi ko iyon pinansin dahil lalo lang akong kinabahan dahil si tine ay nakamasid lang saakin at parang nag uusisa sa aking mga mata at kilos.
"Levi."
"H-huh! Bakit tine." Sabay baling ko sakanya seryoso naman syang tumititig sakin pero umiwas din.
" Sinong gusto mo."
Hindi ko alam pero ganun nalang ang gulat ko at bilis ng tibok ng puso ko dahil sa tanong na iyon para akong papatayin dahil sa kabang nararamdaman hindi ko alam pero naka-awang lang ang bibig ko sakanya nagulat nalang ko ng tapikin ang balikat ko ni el kaya ngumiti ako ng bahagya.
"Hoy! Diretsyuhan huh." Natatawang tugon ni el kahit ang paningin nya ay kay tine pero ang kamay nya ay kinurot ang aking tagiliran kaya umayos ako ng upo at tumingin sa mga kasamahan namin na nakatingin din sakin pero seryoso sila si nash lang ang ngumiti sakin ng tipid.
"Ahm-wala pa naman!Pa-pati hindi ko pa alam." Kinakabahan kong tugon kahit gaanon pa ka kaba ang ang nararamdaman ko inayos ko ang pananalita ko para hindi makita ang totoong kong nararamdaman.
Sinasabayan ng agos ng alon ang nararamdaman kong kaba at dinagdagan pa ng sakit dahil sa paano tumititig sakin ang lalaki ngayon ng nasa harap ko.
" Ok hindi kita pipilitin na sabihin pero kapag balak mo naman syempre makikinig ako dapat hindi lang palagi nalang si el ang tatakbuhan mo huh!"
Tumango nalang ako sa sinabi ni tine kaya ngumiti sya sakin gusto ko man magsabi sa kanya pero nahihirap akong magsabi dahil pinakukunahan ako ng takot dahil noong sinabi ko kay el alam kong nag iba din ang tungo nya sakin.
"Ikaw ry sino gusto mo! May nagugustuhan ka na b-"
" Yes! Why?."
Ganun nalang kabigat lalo ang nararamdaman ko dahil sa simpleng sagot na iyon hindi ko alam pero napabaling ako kaaagad sa lalaki pero seryoso lang itong nakatingin sakin kahit saan titingnan saakin talaga ito nakatingin kaya umiwas ako at tumingin kay tine pero sakin din ang paningin at naka awang pa ang bibig pero nakita ko naman ang ngising tinatago ni el sa gilid ko.
YOU ARE READING
Waves Of Pain ( High school series)
JugendliteraturBlurd: High school romance sweetheart. Maintindihan mo kaya ang dahilan bakit mo ito nararamdaman.Pano kung lahat ng ito ay nangyari na sa nakaraan ito ba'y hahayaan mo nalang muling mangyari o ikaw ay mahuhulog din tulad ng dati. "Hanggang sa ago...