Lahat ng tao sa aming barangay nakatingin sakin.Lahat sila hinugasan ako lahat sila kinamumuhinaan ako at lahat din sila na-aawa sakin dahil kulang ako sa atensyon.
"Lumaki kasing walang ina eh?"
"Nakakahiya sa pamilyang Salazar?"
"Salazar hindi nyan Salazar anak daw nya sa pagkadalaga ni Levina?"
"Alam ko naman nyan noon pa ako nagdududa eh, dahil noong pinakasalan nyan si Levina ay buntis na?"
"May saltik sigurong batang nyan?"
Yinakap ko ng mahigpit ang aking bag at yumuko nalang na naglakad pa uwi sa bahay dahil hinatid lang ako ng sasakyan nila clara sa crossing lang ng aming barangay kaya linakad ko na pauwi.
"Ang ganda pa naman eh,ka tanga naman?"
"Mabubuntis yan ng maaga."
"Pinsan patulan ba naman kung hindi baliw?"
Yumuko nalang ko at hindi na sila tiningnan pa kahit natatampilok na ako hindi ko ininda iyon at pinagpatuloy lang ang pag-lalakad ko. Sa school nangyari iyon pero kumalat parin dito sa amin ang nangyaring kahihiyan ko.
Kaya pala sabi ni tito.Nakakahiya sa pamilya!
"Bata pa kasi wala pang isip yan?"
"Hindi pa alam ang pinagsasabi kaya yata masyadong nagpadala sa mababaw na nararamdaman."
"Kahit na mare jusko mahiya naman?"
"Yung rage yohan naman ay hindi talaga iyon anak?"
"Hindi naman sila magpinsan dahil sa unang anak iyon?"
"Kahit na sa mata ng tao at sa pamilya pagpinsan parin yun?"
Pinigilan ko lang ang mga hikbi at hinayaan nalang na lumuha ang mababaw kong luha.
Pagkarating ko sa bahay hindi ko parin hinayaan na inangat ang aking mukha.Hindi ko na abotan sila tito,nagulat nalang ako ng makita ko si mama na papalapit sakin kaya inayos ko ang aking mukha. Kahit anong kabang nararamdaman, nagmano parin ako bilang paggalang dahil kahit anong galit ko kay mama. Dapat ko parin syang igalang dahil ina ko sya.At sya parin ang dahilan kung bakit ako nabuhay.
"Ma-mano po m-ma?"
Hindi ko mapigilan ang nanginginig doon at lumuha ng makahawakan ko ang palad ni mama. Nagulat ako ng hilain nya ako at yakapin ng mahigpit doon ko lang nararamdaman lahat ng kahinan kong kinikimkim.
"I-I'm so-sorry a-anak, hindi ako ma-magsasawang humingi sayo ng tawad sa lahat ng pag-pagkukulang ko-"
"Ma-mama-" tanging paghikbi nalang ang aking nagawa dahil wala ng lumalabas sa aking kundi ang lahat ng sakit na ngayon ko lang nailabas at sa balikat lang ni mama lahat ng luha linalabas ko lahat ng iyon sa pagpipigil ko at ngayon lang bumuhos.
"A-anak ba-babawi si mama lahat ng pagkukulang ko bi-bilang i-ina at magulang mo lahat ng iyon pinagsisihan ko sorry kong hi-hindi kita nabigyan ng per-perktong pa-pamilya na dapat sa-say-"
"Ma-mama ang sa-sakit sakit na-"
"A-alam ko kasalan ko la-lahat-"
"I-I'm not good mother to you since your young,la-lahat ng ga-galit ko sa papa mo noon sayo ko naibuntong,narealize lahat kung saan hu-"
"Di-dipa huli ma-"
"I- I love you kahit hindi ko sabihin a-"
"Ma-mahal na Mahal din kita ma-mama-" crack my voice kasabay ng mainit na luha ang pinakawalan ko.

YOU ARE READING
Waves Of Pain ( High school series)
Teen FictionBlurd: High school romance sweetheart. Maintindihan mo kaya ang dahilan bakit mo ito nararamdaman.Pano kung lahat ng ito ay nangyari na sa nakaraan ito ba'y hahayaan mo nalang muling mangyari o ikaw ay mahuhulog din tulad ng dati. "Hanggang sa ago...