Chapter 29

12 2 0
                                    

Isang buwan na simula nagsimula ang klase kaya medyo nakakapagod na dahil puro lesson na ang mga guro at puro sila project kaya minsan anong oras na ko nakakatulog,minsan naman mukha akong patay kapag pumapasok sa school.

"Pinapaabot po ni kua?"

Tumingala naman ako sa babaeng freshmen pero ngumiti sya kaya ngumiti nalang din ako baka sabihin mukha akong mataray.

Sabog ako bhe!

"Kanino galing?" Mabait kong tugon.

Tumingin naman sya aming gilid kaya nakita ko kung sino ang tinitingnan nya at tinuro pa ang lalaki na nakikipagtawanan sa mga kaklase.

"Sabi nya po ibigay ko daw sainyo ate ganda!" Eh!

Kinuha ko nalang pero nagulat ako ng umupo sya sa aking tabi at kaya ngumisi sya. Tsismosa ka bhe?

"May kailangan ka pa neng?" Ani ko at inayos ang hawak sa sobreng hawak ko.

Umiling naman sya doon kaya nagkibit balikat nalang ako,baka nakikiupo lang Lenniana.

Hindi ko muna binasa at tumingin muna sa dereksyon nila ry,muntik na akong mapatalon ng tumingin din sya kaya nagkatitigan kami hindi ko tuloy mapigilan ang tibok ng puso ko.

Nakita kong tumingin sya sa hawak ko at senenyasan akong basahin gamit ang kamay nya.

Ano naman kaya ito?

Binuksan ko nagulat ako ng nakita kong isang pirasong sticky note lang ito pero may pa sobre pa.Siraulo?

-sabay tayo mamaya! Dala ko motor?"

-ry ily)

Ily?

Ngumiwi naman ako at ngumuso doon at tiningnan ang sobre, kailangan pa talagang eh sobre to.

Arte naman!

Pano ko ibibigay ang tugon ko,kaya napatingin ako sa babaeng freshmen na hindi umalis sa tabi ko at nakatingin lang ito sa field kaya kinalabit ko sya pero ngumiti lang ito sakin.

"Bakit ate?Nabasa mo na ba?Yung tugon nyo po!" Ani nya kaya kinamot ko ang buhok ko doon.

Kapal ng mukha niyon talaga kaya pala hindi umalis ang batang to dito eh dahil kailangan pala ng tugon ko.

"Wala tinatamad akong magsulat!" Ani ko at linagay ulit ang sticky note sa loob ng sobre,nakita ko naman na sumalubong ang kilay ng babae.

"Ok hindi pala ako makaka-alis dito kung ganun ate?"

Huh!

"Ayus lang iyon, pumunta ka na sa room mo?" Ani ko pero ngumuso sya doon at nag cross arms pa ng kamay.

"Hindi pwede?Kasi may kasunduan kami ni kua ry kapag walang tugon hindi nya ako ilalakad sa crush kong senior high?"Ani nya kaya nabilaukan ako sa sarili kong laway.

"Senior high?" Natatawa kong tugon pero pinigilan ko.

"Oo may crush ako doon,kaya nga dito ako nag-aral para makita ko sya eh?" Ani nya at lumingon pa sa building ng seniors.

Hindi ko alam kung maaawa ako o matatawa pero umiling nalang ko at kinuha din ang kulay blue kong sticky note at umupo sa tabi nya.

Kaya ngumiti sya doon at kulang nalang mag palakpak sa subrang galak?

"Wala pala akong magagawa eh?Kaya sige ibigay mo nalang to doon." Sambit ko at inabot ang sticky note sa kanya kaya natawa sya at nag wink pa sakin.

Neneng pa?

Waves Of Pain ( High school series)Where stories live. Discover now