Nasa gym kaming lahat dahil may announcement daw ang aming principal,kaya lahat ng istudyante nandito kaya kayang upo naman pero section by section para sa attendance kaya nakatayo ako sa harap ng mga kaklase ko habang hawak ang attendance sheet at ballpen.Si Clara naman lalabas at papasok sa loob ng gym dahil inutusan sya ni Ms. Reyes kaya paalis alis nya at nakakunot ang noo pero kapag nakikita ako nagngingitian kami.
Nagulat naman ako ng kalabit ako, kaya tumingin ako sa aking likod si Reese lang pala ang kaklase nila ry.
"Bakit?" Tugon ko may linahad sya sakin kaya kumunot ang noo ko dahil doon. Papel? .
"Sabi ni rage yohan ibigay ko daw sayo."
Tumaas naman ang kilay ko doon at tumingin sa tinitingnan nya kaya nakita ko ang lalaki na nakatingin samin at nakataas ang kilay.
Nag-utos pa talaga huh!
Tinanggap ko nalang kaya ngumisi sya doon at ganun din ang babae sakin. Binulsa ko nalang dahil maraming nakatingin sakin lalo na ang mga kaklase ko dahil doon.
Natampal ko nalang ang noo ko dahil sa kahihiyan at sumabay sa lakad ni Clara palabas kaya nagtaka syang bumaling sakin pero ngumiti nalang ako.
"Sama ako,boring eh hindi pa nagsisimula?" Ani ko pero sa nahihiyang tuno.
"Ahm nakakainis nga eh pagod na ako!" Ani nya at pinunas ang kanyang noo gamit ang likod ng kamay.
"Ano ba kasi ginagawa mo?" Tanong ko nalang.
"Nag aayus para sa mga bisita na darating,sa ibang school daw iyon." Ani nya kaya tumango tango ako,kaya pala hindi pa nag sisimula dahil may hinihintay pa.
Ano naman kaya iyon binigay nyang papel?
Nakakainis talaga?
Hinayaan ko lang ang papel sa aking bulsa at ayaw kong kunin ito kulay blue pa ang kulay ng papel na iyon at parang dagat ang design.
May pa ribbon pa ang kingina.
Love letter?
Umiling iling naman ako dahil doon at nahihiya sa sariling naiisip bakit naman ako bibigyan ang love letter ng kingina iyon.
Baka invitation lang pero sino naman ang magbibigay ng invitation sakin kung sa kanya pwede pa.
Baka yung babae.
Sa kanya galing iyon pero sabi nya sakin kay ry daw galing baka nahiya lang iyon at kapag sinabi sa kanya galing at baka hindi ko tanggapin at marami akong itanong sa kanya kung ganun kaya sinabi nyang kay ry galing .
Tango tango naman ako dahil para akong tangang kung ano ano ang pinag iisip eh hindi ko pa nakikita at nababasa ang laman ng papel na iyon.
Mamaya ko nalang babasahin kapag nasa bahay na para may privacy pero bakit doon pa kung pwede naman dito diba?
Wala naman siguro iyon.
Basta sa bahay nalang.
Binigay ko kay ma'am ang attendance hindi ko ito pinabayaan dahil baka kapag binalik sakin baka gusot gusot na naman at nakakahiya naman kay Ms.Reyes.
Nakaupo ako sa may unahan dahil nandito lahat ng kaklase ko magkatabi kami ni Trisha.
Kanina pa ako dito hindi mapakali dahil si ry nakatingin sakin at kanina pa senyas ng senyas pero hindi ko maintindihan kaya nakakunot ang noo ko dahil doon.
Kapag ginagaya ko ang bibig nya natatawa sya kaya lalo lang akong naiinis dahil dun kaya nauuwi sa pag irap at pag iwas ng tingin ko sa kanya.
Baliw?
YOU ARE READING
Waves Of Pain ( High school series)
Roman pour AdolescentsBlurd: High school romance sweetheart. Maintindihan mo kaya ang dahilan bakit mo ito nararamdaman.Pano kung lahat ng ito ay nangyari na sa nakaraan ito ba'y hahayaan mo nalang muling mangyari o ikaw ay mahuhulog din tulad ng dati. "Hanggang sa ago...