Chapter 21

18 1 0
                                    

"Sunogin mo din ang akin."

"Ano ba kasi ang susunogin el eh!"

Naiinis kong tugon sa kanya,natampal ko nalang ang noo ko ng iabot nya sakin ang ang isang marsmallow,kinuha ko nalang iyon at hindi na nagsalita pa.

Maliwanag naman ang mga lighting sa taas dahil sa desinyo nito kaya maganda at kita kita ang kinang ng dagat dahil sa ilaw ng christmass light sa taas na nakadikit sa mga puno ng niyog na maliit.

"Bakit hindi ka naligo levi." Tine

Nagkibit balikat nalang ako doon."tinamad ako." Sagot ko nalang,umirap naman sya doon at kinain na ang marsmallow nya.

"Kumusta kayo ni ry-i mean ang feelings mo,Ano?"

Hindi naman ako nakasagot sa deritsyuhang tanong nya nakita ko naman na masinsinan ang tanong nya pero umiwas nalang sya ng tingin.

"Kumain ka nalang sunog na yan."

"Kasi ti-"

"AHM!wag mo ng piliting sabihin maghihintay nalang kami na i share mo kung anong nangyayari sayo."

Tumango nalang ako doon at kinain nalang ang hawak ko.

"Pero wag mong isipin na hindi kita binigyan ng paalaala sana isipin mong mabuti na kahit saan titingnan mali ang nararamdaman nyo,kahit saan titingnan kasalan,kaya pag isip isip ka levi kung ayaw mo dumating sa punto na masira ang pamilyang ito."

Tumingin naman ako kay el na seryoso lang syang nakatingin sakin at kita sa mata nya ang sakit para sakin pero yumuko nalang ako doon at inabala nalang ang sarili dahil doon.

"Hindi ko alam kung matuturing pa kitang pinsan kapag nangyari iyon,hindi ko lang alam dahil ngayon palang kahit kaunti araw lang iyon nakita mo kung gaano ka laking epekto kila tita ang lahat kahit hindi pa nila alam ang punot dulo ng lahat noong umuwi tayo."

Nanatili akong nakikinig sa kanya pero hindi ako nakatingin sa gawi nya dahil hindi ko kaya!

"Kahit anong mangyari levi, may tiwala ako sayo wag kang gagawa ng sisira sa samahan ng bawat satin."

Yun lang ang sinabi ni tine bago kami iwan ni el tumabi naman sakin si el at hinawakan ang aking balikat pero tumango lang ako sa kanya pero isang patak ng luha sa aking dalawang mata.

Nakita ko naman na nalungkot ang kanyang mata na tumitigtig sakin.

"May hindi ba ako alam el."

Masakit kong tanong,tumingin lang sakin ang babae at ngumiti peeo bakas parin ang sakit sa kanyang mata na nakatitig sakin pero hindi ko maulahan ang sagot nya dahil sa paraan ng pagtingin nya sakin ng mapupungay na mata at ngiting tipid lang.

"Lahat tayo maraming hindi alam levi,hindi lang ikaw."

Tumayo sya at linahad ang kanyang isang kamay para tulungan akong tumayo kinuha ko naman iyon at tumayo.

"Pumasok na tayo."

Tumango nalang ako doon at sumunod na sa kanya,marami kaming nakakasalubong na mga turista din at naggagawad ng ngiti kaya nguningitian ko nalang din.

"Almusal na uuwi tayo sa bahay ng lola nila ethan." Bungad si lola kinabukasan,umupo nalang ako sa kanyang harap at nagsandok ng sinangag na guzto kapag almusal.

"Nasa labas mag pipicture daw sila para remembrance daw ay ewan-o-oh iho kain na dito sa tabi ni levi."

Hindi na ako lumingon sa tinawag ni lola dahil alam ko na kung sino iyon dahil amoy palang alam ko na kung sino.

YUMUKO ako ng iusad nya ang upuan sa tabi ko para makaupo sya kahit hindi ako nakatingin alam kung nasa akin ang paningin na dahil kita ko iyon at nararamdaman dahil sa kaba.

Waves Of Pain ( High school series)Where stories live. Discover now