Chapter 25

16 3 0
                                    


" Tang ina ang hagard ko na." Ani ni fina at hinilamos pa ang mukha gamit ang kamay dahil sa pawis.

Natawa nalang ako dahil sa init at pawis na pawis na kami.

Kung kanina fresh ngayon mukha kaming sinuka ng sawa dahil sa lagkit ng pawis sa katawan at ang dumi na rin ng aking damit dahil sa mga pinag bubunot kong damo.

Yung iba subrang porma akala mo nasa model agency dahil sa pormahan eh mag bribrigada lang naman,napansin kong ganun din si el dahil sa suot nya na naka croptop pa pero sanay na din ako sa kanya dahil ganyan naman nyan manamit pero kahit maglilinis lang at magbribrigada wala pa din awat at nakasuot parin ng pang sexy.

Basta ko lang tinali ang buhok ng bunds dahil ang init talaga at ang sakit sa balat ng araw.

Marami na din istudyante ang natulong at naglilinis pero ang dami parin lilinis.

"kakainis naman ang puti kong sapatos na binyagan agad,bago pa naman ito!" Angot ni lsha sa malayo ang ka batch naman na maarte talaga hindi nalang namin ito pinansin at umirap lang ang kasama kong si chesca at si el naman na nakataas ang isang kilay sa babaeng nagpupunas ng sapatos nyang nabinyagan daw.

"Alam na kasi maglilinis naka puting sapatos." Mataray na ani ni tine at umiling pa kaya natawa si fina at tumingin pa sa babae.

"Nakakahiya naman sa babaeng nating kasama na naka croptop pa!" Parinig ni zoe kaya natawa akong tumingin kay el.

"Mas nakakahiya naman yung naka dress na si chantal." Angot nya pa.Natawa naman ang mga babae dahil doon kaya nakisama nalang ako galit na galit to doon.

"Doon nalang tayo kumain sa bahay namin." Yaya ni fina samin.

"Sige anong ulam nyo fin." Masayang tugon ni zoe at binitawan ang hawak na walis tingting.

"Ewan ko lang!" Tugon ni fina at nagwalis ulit.

UMUPO naman si tine sa may ugat ng malaking puno na acacia at doon umupo habang hawak ang kalaykay.

Para na kami naligo sa pawis dahil dito.

Umupo nalang basta si zoe sa tabi ni tine at inunat ang kanyang mga paa sa lupa ako naman umupo sa may bato habang nakatukod ang kalaykay sa lupa at hawak ko ito.

Si chesca naman na patuloy na pinapasok ang mga dahon sa sako at inaapakan ang loob ng sako para magkasya at sagarin para marami ang laman.

"Si nash nga eh pormado din." Sambit ni zoe at tinuro pa ang direksyon nila nash na nag bubungkal ng lupa.

Natawa nalang ako dahil yung feeling na ang ganda ng suot nyo pero nagbubukal kayo ng lupa at naghahakot ng sako sakong dahon at damo.

Yan arte pa!

Brigada ginawang fashion show!

NAHAGIP ko naman si chantal na nakadress nga at may takong yung sandal na suot nya habang hawak ang isang pirasong papel at ballpen at yung isang kamay ay may hawak na sako dahil doon ni ry linalagay ang nadakot nyang mga dahon.

Kailangan talaga nakadress at naka sumbrero pa at isang kamay lang ang hawak na pagbuka ng sako at silang dalawa pa talaga ang nagtutulungan huh!

"Pasok kayo."

Nakabusangot naman akong pumasok sa bahay ni fina dahil hindi ko alam wala ako sa wisyo ngayon dahil na din ata sa pagod ko kakalinis o dahil sa pisteng kaartehan ng babaeng yun!

Kailangan talagang maghawak kamay naglilinis lang at sako yung hahawak hindi yung kamay ni ry!

Try ko din kaya mag dress kapag brigada sabagay hilig ko na rin mag dress ngayon!

Waves Of Pain ( High school series)Where stories live. Discover now