Elaidja's POV
Hindi ako makapaniwala. Nagconfess si Andrei saken? Anung gagawin ko? Ayoko siyang paasahin. Ayoko din naman na masaktan siya? Pano ko ba siya irereject ng hindi siya nasasaktan?
"Elaidja bumaba ka nga dito, may bisita tayo."
Si mommy yun. Baket ang cold niya? Hindi na ako sumagot, bumaba nalang ako.
"What's goin----"
"How are you Elaidja?"
"Ate Danica?"
"I told you mom, dad she'll remember me. Tama ka Elaidja ako nga."
"A-nong ginagawa niyo dito?"
"Am kasi ganito yan. Nalaman namin na nahanap ka na ni Drake, kaya eto naglaho nanaman siya ng parang bula."
"So what?"
"Help us."
"Tulungan kayo? Baka naman nakidnapped lang siya. O baka nasa bahay ng barkada. O kaya naman nandun sa bahay ng girlfriend niya. Am I being so mean? Sorry."
"Hindi. Okay lang naiintindihan ka namin."
Bigla namang nagsalita yung mommy ni Drake si Tita Alyson. Tama kayo nandito ngayon ang parents and sister ni Drake. Malas ko talaga.
"Hija, we're sorry. Hindi naman namin ginusto na masaktan ka."
"Masaktan ako? Naku okay lang po na dumalaw kayo."
"Hindi mo ba alam yung reason kung baket iniwan ka ni Drake?"
Tanung naman ng daddy ni Drake.
"Narealize kasi ng parents ko Elaidja na, maling mali yung ginawa nila noon na gamitin si Drake for business, pati pagmamahalan niyo nadamay pa. Pinilit kasi si Drake nila mommy na hiwalayan ka. Maniwala ka Elaidja, Drake did everything para hindi kayo magkahiwalay pero nung nakita si Drake nung anak ng business partners namin. Hindi na siya nakawala pa, nagbanta sila na ika-cancel lahat ng shares nila samin. Sila pa naman ang may pinakamalaking share sa company. Kaya nung umalis si Drake, ilang buwan din siyang hindi nakausap, hindi siya lumalabas ng kwarto. Gusto niya palaging nag-iisa. He promise na kapag nakita ka niya ulet. He will do everything to the fullest just to get you back. Kaya Elaidja, please tulungan mo kami. Tulungan mo kaming hanapin si Drake."
"Were sorry for ruining your life hija."
Sabi ng parents ni Drake. Yun pala ang reason niya. Hindi ko siya pinag explain. Hindi ko man lang napakinggan yung mga gusto niyang sabihin. Anung gagawin ko? Sobrang nalilito na ako. Si Andrei, Si Drake,? Paano ko nanaman haharapin ang ganitong problema?
-+/-+/-+/-+/-+/-+
Keep supporting my story:))
Thanks A lot:))
-ItsAngieeee
BINABASA MO ANG
My EX Is Still My Boyfriend (Harry Styles)
FanfictionIt's Not A One Shot This Time:)) Kaya po Harry Styles Fanfic Kasi Siya Yung Na-iimagine Ko Na Character Ko.. Haha:'))