Chapter 9: Rival

351 16 1
                                    

Elaidja's POV

Kapag nandito pa rin yung sakit ibig sabihin mahal ko parin siya. Hindi, galit nalang to. Imposibleng mahal ko pa rin siya pagkatapos ng lahat ng nangyari.

"I think you need this."

"Thanks, Andrei."

"Baket ka naman nag-iisa dito Elaidja?"

"Wala lang."

"Umiiyak ka tapos wala lang? Ang pagkakakilala ko kasi sayo laging nakangiti, parang walang problema. Matapang. Pero sa likod pala ng mga ngiti mo, ng mga matatapang mong sagot. Isang babaeng nag-iisa, nalulungkot, umiiyak. Baket Elaidja?"

Napaiyak nanaman ako sa mga sinabi niya. Hindi dahil nasaktan ako kundi dahil totoo ang mga iyon.

"Elaidja, ssshhh. Tumahan ka na. I know we're not that close but tandaan mo, nandito lang ako kapag kailangan mo ng kasama, papagaanin ko ang loob mo. Pangingitiin ulit kita yung tipong totoong ngiti. Yung gusto kong makita mula sayo. Okay ba yun?"

Tumango-tango ako. Thanks Andrei

Drake's POV

Sa dami ng pwede kong puntahan baket dito pa ako dinala ng paa ko. Ganito ba talaga? Kailangan ba lagi akong masasaktan.

"Uyy, Drake."

"Kaw pala Jena."

"Tanga ka rin eh noh. Nasasaktan ka na nga. Pinapanuod mo pa rin sila."

"Si Andrei ba? At Elaidja? Sila ba?"

"Hindi. Hindi naman sila ganun ka close eh but I know may special feelings si Drei para sa bestfriend ko."

"Ang sakit pala noh? Ang sakit makita na may kasamang iba yung taong mahal mo."

"Pero Drake. Wala ng namamagitan sa inyo ni Elaidja. Kahit naniniwala ako sa reasons mo. Hindi natin mapipilit si Elaidja na paniwalaan ka. Dahil once na sinaktan mo ang isang tao, mababawasan na yung pag eexpect nila. Hindi dahil wala na silang tiwala kundi dahil natatakot na silang umasa sa wala at masaktan nanaman. Kausapin mo ulit si Elaidja, naniniwala ako na hindi pa dito natatapos ang love story niyo. Kung nakakakita ka na ng dahilan para sumuko, wag mo nalang tignan. Painiwalaan ka niya, Drake. Dadating din sa point na paniniwalaan ka na niya. Maniwala ka sakin. "

"Sana nga Jena. Salamat."

Tumingin ulit ako sa dalawang taong nahagip ng mata ko kanina. Pero umiwas na agad ako. Tama yan Drake, wag mo na silang pansinin. Hindi porket may kasama siyang lalaki susuko ka na. Dagdag challenge to sayo. Kaya mo to. Babawiin kita Elaidja.


-+/-+/-+/-+/-+/-+

Yayyy.. magcha-chapter 10 na.. sorry kung natatagalan sa pag uupdate. Exam kasi namen ehh sorryy..

Don't forget to vomment.

Thankss;))

-ItsAngieeee

My EX Is Still My Boyfriend (Harry Styles)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon