Chapter 25: Wedding Kuno!

193 13 0
                                    

Elaidja's POV

All the way we are walking, mas lalo pa akong kinakabahan. Geez naman oh! Sa kalagitnaan ng paglalakad namin bigla siyang huminto kaya napahinto narin ako. Tingin ko umakyat kami sa hill. Nagulat ako ng bigla niya akong bitawan.

"Drake!? Saan ka pupunta?"

Hindi niya ako sinagot. Leshe anung gagawin ko dito? Nakakatakot pa ang tahimik. Tapos wala pa akong makita.

Minutes later

I've decided na tanggalin na yung piring. Kyah! Dapat pala hindi ko nalang tinggal may mga taong naka white hindi ko makita yung mukha nila kasi medyo madilim dun sa part na kinatatayuan nila. Nahati sila ito two. Sa gitna nila ay may table. Ang kinatatayuan ko ngayon ay red carpet. Pagkatapos nakita ko si Drake nakatayo dun sa may table.

"Anung meron?"

I mouthed him. Pero ngumiti lang siya.

Bigla namang tumalikod yung mga tao. May paper sa likod nila na may nakalagay na letter.

P-W-E-D-E B-A-N-G I-B-A-L-I-K Y-U-N-G D-A-T-I

Yan ang mabubuo mo sa mga letter na yun.

"Pwede ba yun? Elaidja?"

"Yun pala yung ibig sabihin mo nung party."

"Wow, hindi mo talaga kinalimutan yun ah. Oo eto nga yun. Sorry talaga Elaidja hah. Alam ko kasi kung gaano kita nasaktan. Kahit na sabihin mong forgiven na ako parang hindi pa rin sapat na dahilan yun para tumigil ako."

"Ang kulit mo naman kasi ehh."

Naiiyak na ako, kainis!

"Oh, baket ka umiiyak?"

"Ikaw kasi ehh.. oo na sige na pwede mo nang ibalik yung dati."

Napangiti siya. Leshe umiiyak na nga ako nagawa pang ngumiti. Biglang may batang lumapit sa kanya at may inabot na red box. Singsing ba yun? Tumingin sakin si Drake pagkatapos yung mga tao humarap naman may dalang papel na may letter. Ngayon ko lang narealize, relatives ko ang mga nandito, friends and family ni Drake.

W-I-L-L Y-O-U M-A-R-R-Y M-E?

Yan naman ang nakasulat. Nabigla naman ako ng makita ko si Drake na nasa harap ko na at naluhod.

"Will you?"

Tanung niya sakin. I should grab the chance now kasi baka mamaya mawala nanaman siya sakin. Besides mahal na mahal ko parin siya.

"Yes, Drake. I will marry you."

Hindi niya sinuot yung singsing. May humatak saking dalawang babae. Si Jena at Ate Danica lang pala.

"Uhm girls? Where are we going?"

"You need to wear your wedding gown. My soon to be sister-in-law."

"Soon to be pa pala eh. Bakit kailangan ko ng suotin?"

"Akala ko pa naman nagets mo na sissy."

"Hah ang alin ba?"

"Ibalik nga yung dati diba? Nung mga bata kayo nagkasal-kasalan kayo. Ibabalik yun ngayon. Oh ano nagets mo na?"

"Ahhhhhh, So wedding kuno lang."

Napatawa nalang sila.

Maya-maya

Suot ko na yung gown ko. Shete. Kabado pa rin ako feeling ko totoo na ehh. Nasa may red carpet na ako and I'm slowly walking down the aisle. Nakangiti sakin yung mga relatives ko, yung family ni Drake. Yung mga close friends ko. Si Michelle nandito din. Nagthumbs-up pa.

Nakarating na ako sa may table kung saan nakatayo si Drake nginitian ko sya, ngumiti din siya saken.

"Drake bakit ang bata pa yata nung pari?"

Bulong ko sa kanya. Eh kasi totoo naman. Parang kaedad nga lang namin ehh.

"Sshh. Pinsan ko yan."

Bulong nya. Medyo natawa ako dun ahh.

After some chenalin bumblebee.. blablabla.. nagbigayan na ng wedding vows namin.

"Elaidja, hindi pa kita pwedeng pakasalan ngayon kasi daw masyado ka pang bata. Kaya no choice ako kundi gawing kuno ito. But I think after 5 years. Ihaharap na talaga kita sa totoong altar. Basta tatandaan mo lang ikaw lang ang minahal ko noon hanggang ngayon. Mahal na mahal kita Elaidja."

Sinuot na niya sa daliri ko yung singsing. My turn naman na magsalita.

"I really appreciate all your efforts Drake. Nung una naiinis ako kasi bumalik ka pa. Kasabay kasi nung pagbalik mo. Bumalik din lahat ng sakit nung iniwan mo ako. Pero hindi ko pa rin matatanggal yung katotohanan na mahal na mahal pa rin kita. Ang kulit mo kasi eh. Kahit alam mong sumuko na ako. Sige ka pa rin. Well dahil sa ginawa mo. I learned to fight for the things I really want. Pabitaw na ako talaga ako Drake eh. Pero ang ginawa mo hinigpitan mo pa rin ang hawak sakin, kaya simula ngayon. Sabay na tayong lalaban. Hindi ka na mag-isa. Mahal na mahal kita Drake.

Niyakap ko siya ng mahigpit. May sinabi yung pinsan ni Drake na yung pari nga ngayon.

"You may now kiss the bride."

Inangat ni Drake yung belo. Nagtitigan kami. Sobrang ganda ng green eyes niya. Emerald kung baga.

"Since minor palang tayo. Dito kita ikikiss to show you respect."

He kiss me on my forhead.

"I love you Drake."

"I love you too Elaidja."

And that's the whole story of why My EX is Still My Boyfriend... correction my fiance.
--Elaidja Zamora

-+/-+/-+/-+/-+/-+
Thanks for reading guys.
LoveLots ♥♥♥

-ItsAngieeee

My EX Is Still My Boyfriend (Harry Styles)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon