Jona's POV
"Uhm James, anung gagawin natin? Baket kailangang magpartner-partner?"
"Haha wala lang, para sa dalawa lang talaga to."
"Pansin niyo din naman diba?"
"Na parang may gusto sila sa isa't-isa?"
"Oo."
"Hindi pa natin masasabi yan. Si Rhaven kasi magaling magtago ng feelings eh. Yung tipong kahit nasasaktan na siya, tagong-tago niya parin. Pero may sasabihin akong secret sayo."
"Anu naman yun?"
Lumapit sya sa may tenga ko. Tapos may binulong.
"Naging crush ni Rhaven si Jena."
"Di nga?"
"Oo nakita na daw ni Rhaven si Jena, elementary pa daw. Namukhaan niya lang daw nung magkita ulit sila sa may library."
"Wow, haha bagay sila nuh? Kahit laging nagbabangayan."
"The more you hate the more you love nga daw eh"
"Eh James, ikaw? May girlfriend ka na ba?"
"Oo dapat."
"Huh? Baket naman? Anu ibig mong sabihin?"
"She's on states eh, kapag bumalik siya tsaka niya pa ako sasagutin. Kaya hanggang ngayon hinihintay ko pa rin siya."
"Eh panu kung hindi na siya dumating?"
"Darating siya. Alam ko yun."
"Sana nga dumating na siya para hindi ka na naghihintay."
"Hindi naman ako nagmamadali eh."
Ngumiti nalang ako, dahil may napansin akong familiar na mukha.
"Okay ka lang Jona?"
"Ah, oo namalikmata lang siguro ako."
"Baket? Sino ba yung nakita mo?"
"Hindi wala yun."
"Ms. Jona.."
Sabi nung batang lumapit samin. Hala pano niya naman nalaman yung pangalan ko?
"Anung kailangan mo?"
"Bakit daw po may kasama kang lalaki? Boyfriend mo daw po ba yan? Basahin mo daw po ito."
Sabay abot niya sakin ng letter. Tapos binasa ko na to.
Jona,
May boyfriend ka na pala hindi ko man lang nalaman. Halos buong buhay mo na nga nasundan na kita. Hayss, ang sakit pala talaga na makita kang may kasamang iba.
Hala? Kanino galing to?
"Bata--? Nasan na yung bata James?"
Tinuro ni James yung bata. Kasama niya si..
"C-calum?"
"Kilala mo Jona?"
"Ahm ano, k-kaklase ko."
"Kailangan niyo yatang mag-usap. Exit muna ako?"
"Hah, wag dito kalang."
"Oh? Baket? May gusto ka sa kanya noh?"
"Huh? Anu hindi ah."
"Tara."
Hinila niya ako papunta kay Calum.
"James, ayoko."
"Yo! I'm James. Kilala mo naman na si Jona diba? Marami yata siyang gustong sabihin sayo."James
"W-wala.. wala naman akong sasabihin. Wag mo nalang paniwalaan to."
"Haha. Friend niya pala ako."James
"Friend? Or boyfriend?"Calum
"Friend lang walang special feelings."James
"Ganun? So hindi kayo?"Calum
"Oo walang kame. Tsaka hindi kami talo neto. Haha sige na sayo muna siyA. Ingatan mo yan. Madami kaming reresbak sayo."James
"Uhm. Sige makakaasa ka."Calum
Umalis na si James
"Ikaw ba yung nagbigay ng sulat?"
"Oo eh. Akala ko kasi boyfriend mo siya."
"Totoo ba yun? Kaya ba kaklase kita palagi?"
"Oo pinagiigihan ko talaga. Totoong totoo yun, totoong Mahal kita."
-+/-+/-+/-+/-+/-+
Title: Mahal kita
Thanks for reading..
Keep supporting:))
Sorry for the slow update. Read the author's note..
All the love.
May Directioner ba dito? Or Swifty? Comment lang
Usap tayu:))
#PanCakeLovers
-ItsAngieeee
BINABASA MO ANG
My EX Is Still My Boyfriend (Harry Styles)
FanfictionIt's Not A One Shot This Time:)) Kaya po Harry Styles Fanfic Kasi Siya Yung Na-iimagine Ko Na Character Ko.. Haha:'))