Chapter 54: Signs

110 8 0
                                    

<a//n: sa mga nakalimot part pa rin ito ng Flashback>

Elaidja's POV

"Yo! Drake pare. Nandito nanaman kami. Manggugulo sayo."Rhaven

"Drake naman kasi isang buwan ka nang nakahilata dyan. Hindi ba sumasakit yang katawan mo?"James

"Alam niyo dapat sisihin natin yung maintenance sa school hindi maayos yung pagkabit niya sa spotlight kaya bumagsak sa ulo pa ni Drake."William

"Baliw ka, walang may kasalanan. Ito kasing si Drake eh ililigtas na nga lang si Elaidja. Hindi pa dinamay yung sarili niya, tsk."Andrei

Biglang tumahimik. Ang tanging maririnig mo nalang ngayon sa hospital room na to ay yung pag buntong hininga ng bawat isa. Yung tunog ng mga apparatus na nakahawak sa buhay ni Drake ngayon. Sabi ng doctor himala pa nga daw na na-coma siya kasi grabe yung impact ng spot light sa ulo niya. Naiiyak nanaman ako. One month na kasi akong umaasa na gigising siya. Na babalik ang lahat sa normal. God can you give me a sign?

"Anung iniisip mo Elaidja?"James

"W-wala."

"Gusto mo ba kami nalang muna dito?"William

"Hindi ayos lang ako guys."

"Mukha ka nang zombie eh. Baka magalit samin si Drake nyan kapag nagising siya sabihin nyan hindi ka namin inaalagaan."Rhaven

"Hindi yan. Ang bait bait ni Panpan eh. Naalala ko pa nga nung may niligtas siyang bata, yung bata halos katulad niya yung sitwasyon. Nagdasal talaga siya para mabuhay yung bata kahit hindi naman niya kaano-ano. Kaya sobrang saya niya nung nalaman niyang buhay yung bata. Eh baket ako? I kept praying, i kept waiting, i kept believing na magising na siya pero bakit hanggang ngayon. Wala man lang nagbago."

"Sumusuko ka na ba?"Andrei

"Wag Elaidja... Kaya natin to. Kaya to ni Drake. I'm sure lumalaban yan kaya hindi pa siya bumibitaw."James

"Aasa ka pa ba?*sobs*"

"Elaidja don't cry."Rhaven

Lumapit sila sakin.

"Aasa pa ba t-tayo guys? K-kasi tignan niyo oh. P-pano pala kung n-nahihirapan na si Drake. K-kasi kung ano-ano yung n-nakakabit sa kanya. Those things p-pano kung wala yan. H-hindi ba matagal na rin siyang n-nawala."

"Elaidja wag ka namang mawalan ng pag-asa oh. Nandito parin tayo kasi naniniwala tayo na kaya ni Drake. He can survive from this."William

"Kung napapagod ka na Elaidja. Magpahinga ka muna."Andrei

"I need signs."

"Sige na Elaidja matulog ka muna. Kaya mo yan. Wag kang susuko ah."James

Oo, tama hindi ako susuko nakaya ko nga ng ganitong katagal ngayon pa ba ako susuko?

--------

"Cake... cake... gising na... sige ka kapag hindi ka gumising hahalikan kita"

Yung boses na yun..

"D-drake.. buhay ka Drake."

Niyakap ko siya.

"Syempre naman buhay ako."

"Akala ko iiwan mo nanaman ako. Kainis ka talaga."

"I love you Elaidja."

"I love you too."

Bumitaw siya sa pagkakayakap,

"San ka pupunta Drake?"

Naglalakad kasi siya palayo. Hindi siya sumagot ngumiti lang siya at nagpatuloy sa paglalakad

"Drake sandali lang."

Hinabol ko siya kahit naglalakad lang siya at ako tumatakbo parang hindi nababawasan yung distance sa pagitan namin. Sa totoo lang mas lumalaki yung pagitan hanggang sa hindi ko na siya makita.

"Drake!!"

"Elaidja? Okay ka lang?"

Panaginip?

"O-oo, guys napanaginipan ko si Drake. Buhay siya tapos pagkatapos ko siyang yakapin bigla siyang lumakad palayo nung tinanung ko kung san siya pupunta ngumiti lang siya. Hinabol ko siya pero hindi ko nagawa. Nawala siya sa paningin ko.."

Nagkatinginan silang mga nandito. Nandito na rin pala yung girls and family ni Drake. Hindi ko mabasa yung mga tinginan nila.

"Uhm? Dapat na ba akong kabahan?"

Hindi sila sumagot. Bakit? Sign na ba yung panaginip ko? Iiwan na ba talaga ako ni Drake? Nag umpisa ng tumulo yung luha ko.


-+/-+/-+/-+/-+/-+

Pathrill yung mga tinginan nila nuh...

Ano kayang mangyayari? Anu kayang ibig sabihin ng ngiti ni Drake? Good bye or Nice to see you again?

Syempre alam niyo na yung sagot, flashback lang naman to ee XD

Thanks fo reading

Need your support:))

All the love

#PanCakeTillTheEnd

-ItsAngieeee

My EX Is Still My Boyfriend (Harry Styles)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon