Chapter 24: Fake Out

188 13 0
                                    

Elaidja's POV

After months

Drake's calling....

Baket naman kaya?

"Hello? Anong meron?"

"Elaidja si Jena..."

"Why? What about her?"

"Naaksidente siya."

"Hah? Eh diba? Nasa Baguio siya? Baket anung nangyare?"

"Basta pumunta ka na lang dito sa rest house niyo. ASAP."

Sabay end call niya. Hindi na ako nagdalawang isip pa kaya pumunta na ako sa Baguio.

--------

Nandito na ako sa resthouse ngayon..

"Aling Marta, si Jena po?"

"Si ma'am Jena? Nagpunta po sila kanina sa may burol daw."

"San? Sa may hillside?"

Lumabas ako ng resthouse at dumiretso sa may hill side pero bago pa man ako makarating doon. May nakita akong round table na nasa loob ng nakapalibot na kandila. Yung mga kandila naman napapalibutan ng bulaklak. May bulaklak din sa mesa at may kandila din. May mga bulaklak na nakasabit sa puno. To make it short in description. It is a romantic stuff. Tsaka ko lang napansin ang anino ng isang lalaki. May dalang bulaklak.

"Drake?!"

"Hi, Elaidja."

"A-ano to? Si Jena nasan siya?"

"Si Jena okay lang siya. Actually wala talagang aksidenteng naganap. Sinabi ko lang yun para pumunta ka dito."

"Wow, nice napapunta mo nga ako."

"Oh easy ka lang."

"Pinakaba mo kaya ako. Akala ko may nangyari ng masama sa bestfriend ko nakakainis ka."

"Sorry na nga ehh."

"Tss."

Hinawakan niya yung kamay ko at inalalayan akong umupo sa upuan. Kinakabahan ako. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko.

"Para san ba kasi to Drake?"

"I just wanna apologize for all the things i did to you."

"Matagal ka ng forgiven."

"I know pero gusto ko pa rin ipakita sayo na tama lang yung desisyon mo na patawarin ako. Kasi kahit napatawad mo na ako. Magsosorry at magsosorry pa din ako dahil nga napakalaki ng kasalanan ko sayo."

"You know Drake you don't have to do this."

"But I want to."

"Fine."

"First of all I wanna thank you kasi sa kabila ng mga kasalanan ko nagawa mo pa rin akong patawarin. Tsaka naalala mo ba nung birthday ko. Nung birthday ko wala ng bisa yung contract namin ni Michelle."

"Huh? Pero bakit magkasama pa rin kayo?"

"We decided na wag munang ipaalam sayo kasi we're planning about this one pa. Ngayong ayos na yung plano ko pwede ko nang sabihin sayo."

"Teka lang hah. Naguguluhan na ako eh. Para saan ba kasi talaga to?"

Ngumiti lang siya. Ngiting sobrang tamis. Yung dimple niya mas lalong nagpagwapo sa kanya.

"Para sayo talaga ang lahat ng ito. Tara."

May inilabas siyang panyo tapos ay inilagay niya sa mga mata ko.

"Drake bakit kailangan may ganito pa?"

"Basta sumunod ka na lang sakin. Tayo ka na."

"Hindi ko makikita yung daan?"

"That's why I'm here I'm gonna take care of you."

"Che, puntahan na nga lang natin yung pupuntahan natin."

"Yes, princess."


-+/-+/-+/-+/-+/-+

Ayiiiee 1 to go...

Keep supporting guys:)

Lovelots:))

Thanksss

-ItsAngieeee

My EX Is Still My Boyfriend (Harry Styles)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon