Chapter 12 [EDITED]

114 17 2
                                    

Shin's POV:

Tahimik akong nakatingin ngayon sa dalawang tao na nasa aking unahan. Hindi ko maintindihan kung ano bang nararamdaman ko. Para akong naiinis, nagagalit, naaasar, at naiinsulto, makita ko lang ang pagmumukha ni Cedric. Siguro nagkakaganito ako dahil sa ginawa niya kanina...

O baka, hindi?

Ah basta, nakakasura siya. Wala akong tiwala sa kan'ya dahil baka mamaya ay kung ano-ano nang kalokohan ang gawin niya. Kilala pa naman siya dito bilang 'chick boy'.

"Pwede ba kitang i-sayaw?" sabi ni Cedric sabay hawak sa mga kamay ni Sandra. Mukhang lalong lumala 'yung inis ko nang gawin niya 'yun.

Ano ba sa tingin niya ang kan'yang ginagawa? Pwede namang sa mismong play niya hawakan si Sandra. Practice lang naman ito, ah.

Tanging ako lamang ang hindi napangiti sa kanilang ginawa. Sa tingin ko kasi, parang tinototoo na ni Cedric ang lahat. Hindi naman silang dalawa bagay.

Tumingin siya sandali sa akin sabay ngumisi. Talaga ngang balak niya akong inisin lalo. Nakaka-inis na nga 'yung mukha niya, tapos ngingitian pa niya ako nang nakakaloko? Naka-drugs ba 'yun? Loko siya, ah.

Ano kaya pati ang pinaplano nun?

Iniwasan ko na lang sila ng tingin habang nagsasayaw. Maya-maya ay hindi ko inaasahan na may madadapa dahil sa aking paa.

"Cedric!" napasigaw bigla si Sandra.

At kung minamalas nga naman, si Cedric pala iyon. Umabot pa kasi hanggang dito yung sayaw nila. Para bagang ipinapahanga pa na ka-sayaw niya si Sandra. Mabuti na lang, dumating ang karma.

Napatawa ako nang kaunti hanggang sa lumakas ito. Halos lahat pa sila ay napatingin sa akin.

"Ano bang problema mo, ha?" Akmang susuntukin na ako ni Cedric, kung hindi nga lang siya pinigilan ng iba.

"Ako?" natatawa kong sabi. "Hindi ka lang tumitingin sa dinadaanan mo."

Muli na naman niya akong susuntukin, ngunit sa pagkakataong ito ay si Mangkukulam na ang pumigil.

"Ano ba, ha? Mag-aaway na lang ba kayo o mag-prapractice? Pwede bang mamaya na lang? Pramis, makikinood pa ako sa inyo."

Sumimangot na lang si Cedric at bumalik na sa stage. Napatawa naman ako nang palihim, ngunit nakita ito ni Mangkukulam paglingon sa akin.

"Oh? Anong tinatawa-tawa mo diyan? Nanalo lang sa lotto? Maka-tawa ka ay wagas, eh." Bago siya muling bumalik sa stage ay may ibinulong pa siya sa akin. "Ehem! May nag-se-se-los!"

Tsk! Baliw talaga itong si Mangkukulam!

Umulit na naman sila mula sa simula ng play. Hindi na lang ako nanonood dahil bumalik na naman 'yung pagka-inis ko. Masusuka lang ako pag pinanood ko 'yung lalakeng nasa unahan.

Hindi ko din natiis ang aking inis, kaya maya-maya ay nahanap ko na lang ang aking sarili na nag-iingay, para lamang ma-istorbo ang mga linya nina Cedric at Sandra.

Ngunit mukhang hindi tumalab ang ginawa ko sa kanila. Sunod naman ay binalak kong patayin 'yung music para doon sa kanilang sayaw. Pumunta ako sa may saksakan at pa-simple kong hinugot ang saksak ng speaker.

Hindi nga lang ako naka-takas kaagad dahil may nakakita sa akin. Pero nagpalusot na lamang ako, nakita ko namang katabi nun yung saksak sa electric fan.

"Hindi ba ang lamig? Mabuting patayin na lang natin 'yung electric fan."

"Saksak yan ng speaker." sabi ni Danny.

Nagkunwari na lang ako na hindi ko alam.

"Ahh...saksak ba ito nun?"

"Oo! Huwag kang bano." sabat ni Cedric.

Kainis. Panira naman lagi 'yun, eh!

Nagpatuloy pa rin ang aming play, kahit na nawalan kanina ng tugtog. Maya-maya ay napasama na rin ako sa pag-akto.

Sakto namang may dala akong tubig. Props iyon na iinumin ni Sandra.

"At dumating ang servant para ibigay ang tubig sa prinsesa..."

Ay, oo. Sakto naman at oras ko na.

Kinuha ko ang tray na may nakalagay na basong may tubig. Dinala ko iyon kay Sandra at sinabi na ang aking linya.

Pagkabalik sa akin ng baso ay umalis na ako. Nagkunwari pa akong nadapa kaya lumasik ang baso at tubig sa mukha mismo ni Cedric.

"Ano ba? Kanina ka pa!" inis niyang sabi sa akin. Pinigilan naman siya ng aking mga ka-grupo bago pa ako masuntok.

Nag-pumiglas si Cedric hanggang makawala sa kanila. Inis siyang lumabas pagkatapos nun at iniwan na kami. Hindi ko ba alam kung matatawa ako, pero pagtingin ko kay Mangkukulam ay napansin kong mukha rin siyang nainis sa aking ginawa.

Lagot.

***

Hindi nagsasalita sa amin si Mangkukulam habang naglalakad kaming tatlo pauwi. Basta na lamang siya pumasok sa kan'yang boarding house at hindi nag-paalam sa amin ni Sandra. Sa tingin ko'y sobrang sama nga talaga ng loob niya sa akin.

Nang matira na lamang kaming dalawa ni Sandra, kinausap niya ako sandali.

"Ano ba talaga ang nangyari, Shin?"

"Ahh...eh..."

"May ginawa kang masama, ano?" Humalukipkip siya. "Napansin ko pati, mukhang may galit ka kay Cedric."

Napatawa lang ako.

"Ako? May galit doon? Eh, sadya lang talaga na nakaka-inis 'yung mukha niya."

"Ang weird mo talaga!" Ginulo niya ang aking buhok sabay tinawanan ako.

Nang makarating na si Sandra sa kan'yang boarding house, nag-paalam na kami sa isa't-isa.

"Salamat nga pala." wika niya.

"Salamat saan?"

"Sa lahat." Ngumiti siya sa'kin. Ewan ko pero para akong natulala sa kan'ya.

Parang napaka-perpekto ng ngiti niya.

"Good night." pagbasag niya sa aking pagka-tulala.

"G-good night, d-din."

Bakit ba ako biglang na-uutal? Nakaka-asar.

Pagkapasok niya sa loob ay dumiretso na ako sa amin. Napangiti ako nang wala sa oras nang maalala ko ang ngiti ni Sandra. Naiinis ako kanina, pero parang hindi ko na nararamdaman 'yun.

Biglang nagbago ang emosyon ko.

Teka, bakit nga ba ako napapa-sayaw bigla? Para namang ang saya ko sobra, eh ano ba ang nagpa-saya sa araw kong ito?

Napatigil ako sandali nang marinig kong may sumusunod sa akin. Bumabatok pa ito.

Ibig-sabihin, hindi siya isang tao.

At sa tingin ko, isa iyong aso!

(FZLF) Friend Zone lang, Forever?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon