Sandra's POV:
Dumating ang 3:00 P.M. at nagsimula na ang event. Nagsimula muna iyon sa opening prayer, pagkatapos ay speech ng director at principal ng school, at tapos ay ang mga games at entertainments.
Ngayon, kasalukuyang ang laro na ay ang 'Finding My Pair'. Ang lahat ay ni-required na sumali kaya napasali din ako.
Sa larong ito, ang mechanics ay: Bubunot ng paper na may nakasulat na word, tulad ng 'Sweet'. Then, hahanapin dapat yung kadugtong niyang word, which is si 'Heart'. At matapos mahanap ang isa't-isa, sisigaw ang magka-pair ng nabuo nilang word: Sweet Heart. Ang mauna ay panalo.
...
Pumila na kami at bumunot. Ang salitang nabunot ko ay: 'KITA'.
Ano kaya ang pwede dito?
Tiningnan ko ang hawak ng iba at nakita kong hindi bagay ang mga salitang iyon sa akin. Mayroong honey, happy, heart, at marami pang iba.
Muli na naman akong naghanap at sa wakas ay nakita ko na din ang babagay sa salitang hawak ko, ang 'MAHAL'.
Tiningnan ko naman ang mukha ng may hawak.
Si Shin?!
Nagkatinginan kami ni Shin.
"Shin, pair tayo!" sigaw ko.
Lumapit siya sa'kin.
"Tara, sigaw na tayo." sabi ko.
"Sige."
Bumilang kami ng isa hanggang tatlo. Matapos nun ay sumigaw na kami.
"Mahal kita!" ------------------- "Happy Valentine's!"
May kasabay kaming sumigaw?
"Looks like we have a tie! But instead na maghanap ng pair of words, let's have a quiz for these two pairs." sabi ng announcer.
"Quiz? Wow, exam na pala." sabi ni Shin.
"Galingan mo." sabi ko at ngumiti ako sa kanya.
"H-huh? Bakit ako lang?...Tayo kaya."
"Hindi naman kasi ako matalino."
Tumawa naman siya.
"Tawa ka?" sabi ko.
"Eh, one plus one?" tanong niya.
"Two, siyempre."
"Edi may talino ka din pala. Ang taong matalino kasi ay hindi lang nakikita sa kaalaman. Nakikita din iyon sa kagalingan ng kanilang mga talento. Eh...ang galing mo kayang mag-design!"
"Talino kaya ang pinag-uusapan dito."
"Oo nga. Bakit? Magkakaroon ka ba ng talento kung hindi ka nag-iisip, diba hindi? Kaya lahat ng tao ay matalino, hindi lamang sa kaalaman, pati na rin sa talento at gawain."
Nice point.
"O-kay...? Pero wala pa din akong alam." sabi ko.
"Tiwala lang. Kaya mo din yun." ngumiti siya.
Muli nang nagsalita ang announcer.
"And now, here is the question: what was the year of the declaration of February 14 as Valentine's Day?"
Nag-isip kaming pareho ni Shin.
"Damn. Nabasa ko na yan...kaso nalimutan ko lang." sabi niya.

BINABASA MO ANG
(FZLF) Friend Zone lang, Forever?
Teen FictionMinahal ko siya nang higit sa kaibigan. Minahal niya ako bilang kaibigan lamang. Ito ang istorya namin. Friend zone lang, forever. Note: COMPLETED. Credits to: the owner of the used photos from google. :) PS: Don't judge the book by its cover. (FZL...