Shin's POV:
Malapit na ang pasko. Hanggang ngayon, wala pa rin pala akong nabibili na regalo para kay Sandra. Ano kaya ang pwede?
"Makisama nga kayong dalawa! Wala dapat K.J!" sigaw ni Mangkukulam sa amin ni Sandra. Sabay-sabay kasi kaming apat na naglalakad ngayon. Sila lang ni Insan ang maingay.
"Oo nga! Tropa tayo, eh!" sabi ni Insan.
"Join us!" akit ni Mangkukulam.
Nagkatinginan kaming dalawa ni Sandra.
"Bakit? Ano bang ginagawa niyo?" tanong namin.
"Wala. Nagpapasikat lang ng ating grupo." sagot niya.
"Ayoko. Bahala ka." sabi ko.
"Oo nga. Kayo na lang ni Ariz." sabi ni Sandra.
"Huwag na kayong mahiya! Ako nga, hindi nahihiya, eh." sabi ni Insan.
"Malamang. Wala kang hiya, eh!" sabi ni Sandra sabay inikot ang kan'yang mga mata.
Pumagitna bigla si Insan sa amin ni Sandra sabay umakbay dito.
"Huy! Ano ka ba!" inis na sabi ni Sandra.
"Tao, malamang." Ngumisi si Insan.
"Ang sabihin mo, hayop! Ano ba't akbay ka nang akbay sa akin?"
"Boyfriend mo ako, ah."
"Bahala ka nga sa buhay mo!"
Iniwas ko ang tingin sa kanila.
"Tara na sa classroom!" sabay na sabi ni Insan at Mangkukulam. Nagpa-unahan pa sila sa pagpunta doon, kaya naiwan lamang kami ni Sandra.
Napakatahimik ng aming paligid nang sabay kaming magsalita bigla.
"S-sorry."
Nagkatinginan kaming pareho.
"Pinapatawad na kita." sabi niya.
Ngumiti siya matapos nun at hindi na ako naka-responde pa. Pagkapasok namin sa klase ay aming naabutan si Prof na may announcement sa amin.
"Class, malapit na nga pala ang Christmas Party. Dahil d'yan, pagbibigyan natin ang lahat na magbahagi ng kani-kanilang mga talento sa araw na iyon. Inaasahan kong ang lahat ay pupunta dahil kung hindi, babagsak kayong lahat sa subject ko. Naintindihan niyo?"Ano daw? Lahat kami babagsak kapag may absent? Balak ko pa naman sanang hindi umattend. Wala naman kasi akong talento.
"Shin, anong talent mo?" tanong ni Sandra.
"H-hindi ko pa alam." sagot ko.
Ngumiti siya.
"Sige. Good luck na lang."
Hay. May talent ba talaga ako?
***
Pagkatapos ng klase, dumiretso ako sa bahay kaagad. Pinag-isipan ko nang napakatagal ang talento na ipapakita ko sa loob ng aking kwarto. Di nagtagal ay nagbasa-basa din ako ng mga libro na makakatulong sa akin.
Naisipan ko sandali na buhayin ang radyo para makinig ng mga kanta. Palipat-lipat ako ng estasyon hanggang sa makahanap na nga ako ng isang napakagandang kanta.
![](https://img.wattpad.com/cover/34884326-288-k639911.jpg)
BINABASA MO ANG
(FZLF) Friend Zone lang, Forever?
Ficção AdolescenteMinahal ko siya nang higit sa kaibigan. Minahal niya ako bilang kaibigan lamang. Ito ang istorya namin. Friend zone lang, forever. Note: COMPLETED. Credits to: the owner of the used photos from google. :) PS: Don't judge the book by its cover. (FZL...