Shin's POV:
Nang umuwi na ako sa bahay, naabutan kong nag-iimpake na si Insan. Halatang nagmamadali siya, kaya sa tingin ko ay ngayon na nga ang kan'yang alis.
"Insan, ngayon na nga pala ako aalis. Paki-sabi na lang kay Perex na umalis na ako. Sabihin mo din, mami-miss ko siya." sabi ni Insan.
"Hindi ka man lang ba magpapaalam nang direkta sa kan'ya?" tanong ko.
Ngumisi siya.
"Hayaan mo. Gusto ko kasing ma-miss niya ako. Basta, sabihin mo na lang sa kan'ya ang sinabi ko sa'yo, ha?"
Um-oo lang ako.
"Sige, paalis na 'ko. Baka ma-late pa ako sa bus." paalam niya.
"Sige."
Matapos nun ay umalis na si Insan palabas ng bahay ko.
Kapag kaya sinabi ko iyon kay Sandra, malulungkot siya? Mami-miss din ba niya si Insan?
***
"Good luck." sabi sa akin ni Sandra nang magkasalubong kami sa pasilyo ng aming school. Ngayong araw na kasi ang exam namin ni Cyrene.
Ngumiti ako.
"S-salamat."
Didiretso na sana ako sa paglalakad muli nang maalala ko ang sinabi sa akin ni Insan kagabi.
"Umalis na nga pala si Insan." sabi ko.
Inaasahan kong magugulat sana siya sa sinabi ko, pero nagkamali ako. Nanatili lang siyang kalmado.
"Lokong pinsan mo, hindi man lang nagpapaalam." bigla niyang nasabi.
"May gusto pati siyang sabihin sa'yo." dagdag ko.
"Ano daw?"
"Sabi niya, aalis na siya at mami-miss ka niya, Perex." sabi ko. Tumawa naman siya dahil doon.
"Baliw siya. Perez, hindi Perex." Pinagmasdan ko ang masaya niyang mukha, na unti-unting napalitan ng kalungkutan. "Pero... mami-miss ko din pala ang lokong iyon. Nasanay na kasi akong nandiyan siya."
Parang kinurot ako ng mga salitang iyon sa banda ng aking puso. Minsan, naiisip ko rin kasi kung na-miss din ba niya ako nung mga panahong nawala ako't nasanay siyang nandiyan ako.
"Shin!"
Napalingon ako nang may tumawag sa aking pangalan. Si Cyrene pala iyon.
"A-ayos ka na ba para sa exam?" tanong niya sa'kin sabay napatingin kay Sandra.
Um-oo ako.
"Sige. T-tara na..." sabi niya.
Bago pa ako humarap kay Sandra ay pumayag na siya sa amin.
"Ayos lang ako. Pumunta ka na dun. Good luck na lang sa exam niyo." nakangiti niyang sabi.
Umalis na kaming pareho ni Cyrene pagkasabi niya nun at habang naglalakad-lakad ay nag-review kami para sa exam.
![](https://img.wattpad.com/cover/34884326-288-k639911.jpg)
BINABASA MO ANG
(FZLF) Friend Zone lang, Forever?
Dla nastolatkówMinahal ko siya nang higit sa kaibigan. Minahal niya ako bilang kaibigan lamang. Ito ang istorya namin. Friend zone lang, forever. Note: COMPLETED. Credits to: the owner of the used photos from google. :) PS: Don't judge the book by its cover. (FZL...