Chapter 21 [EDITED]

108 17 2
                                    

Cyrene's POV:

"Hi!"

Bigla akong napatigil sa pagsusulat sa aking notebook nang may bumati sa akin. Pagtingala ko, si Aira ang bumungad sa harap ko- na kaklase ko sa isang subject.

"A-Aira?" gulat kong nasabi. "Bakit ka nandito?"

Ngumisi siya.

"Wala naman. May ipapakilala lang kasi ako sa'yo."

Nakakapagtaka. Sino ba naman ang gustong makipagkilala sa akin?

"P-pasensiya na. Wala akong oras." tangi kong sinabi sabay bumalik na uli sa pagsusulat.

"Ayaw mo ba talaga? I'm sure kasi, magkakasundo kayo."

Napa-singhal ako.

"Nako, Aira..."

"Alam mo, matalino 'yun tulad mo. Pwede kayong mag-usap tungkol sa mga nakakabaliw na bagay, tulad ng siyensiya, matematika, o kaya ay history. Sa tingin ko, perfect match nga kayo!" dagdag niya.

Nahanap ko na lamang ang aking sarili na nakatigil sa pagsusulat. Parang mas ginanahan akong makinig sa mga sinabi ni Aira. May naalala kasi ako sandali nang banggitin niyang matalino ang taong ipapakilala niya sa akin.

Ayoko sanang mag-assume, pero hinihiling ko na sana tama nga ang hinala ko.

"Sino ba ang tinutukoy mo?" tanong ko dahil bigla akong na-usisa.

"Malalaman mo din." Ngumisi uli siya sabay hinila na ako sa aking braso. "Tara na!"

"T-teka lang, Aira!"

Napaka-bilis tumakbo ni Aira, 'yung tipong nakakaladkad na ako sa sahig dahil sa aking kabagalan. Ewan ko ba kung sino ang tinutukoy niya. Iba ang pakiramdam ko sa sandaling ito.

Parang bumabagal ang lahat.

Nang tumigil na kaming dalawa sa pagtakbo, hingal na hingal kaming nakarating sa aming kinaroroonan. Nagkanda-gulo-gulo pa ang aking buhok, na nakahara pa sa mismong mukha ko ngayon.

Napatingala ako sandali nang makita kong may tao sa aking harapan, na sa tingin ko ay isang lalake. Hindi ko maintindihan ang aking naging reaksyon nang makita ko na kung sino siya.

Si Shin Gomez.

Ano naman kaya ang balak niya?

Bigla kong nahawi ang aking buhok sa mukha.

"I-ikaw...?"

Nahiya ako sandali kaya agad kong inayos ang aking buhok. Huminga ako nang malalim pagkatapos, para pakalmahin ang aking sarili.

Matagal ko nang hinihintay ang pagkakataong ito, na maka-harap ko siya mismo. Hindi ko inaasahan na mangyayari pa ang lahat sa isang hindi inaasahang oras.

"Sabi ko sa'yo, Cyrene, magkakasundo kayo." Ngumiti si Aira. "Siya nga pala si Ner- este, Shin."

Nagkatinginan kaming dalawa sandali at hindi ko maipaliwanag kung paano mag-unahan ang pagtibok ng aking puso.

Napansin ko kung paano sikuhin ni Aira si Shin. Matapos nito ay nagkasamaan pa sila ng tingin sa isa't-isa.

"Hay naku, Cyrene. Sabi nito, hi daw! Sorry ah, masyado kasing mahiyain, eh."

(FZLF) Friend Zone lang, Forever?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon