Shin's POV:
Sabay kaming naglakad pauwi ni Sandra matapos naming mag-practice para sa masquerade ball na dadating. Nasa gitna kami ngayon ng kalsada dahil walang sasakyan na dumadaan doon at bigla nalang siyang tumakbo nang sobrang bilis.
"S-Sandra!" sigaw ko.
Sumigaw din siya pabalik sa'kin nang hindi nakatingin at patuloy lamang siya sa pagtakbo.
"Ang saya! Try mo din!"
Paano naman naging masaya yun?
Tumakbo din ako nang mabilis tulad niya at naabutan ko pa siya. Napansin ko nalang na nakangiti na ako.
"Oo nga. Masaya nga." sabi ko.
Maya-maya din ay tumigil na siya.
"Ayoko na. Nakakapagod. Alis na tayo." sabi niya.
Lumingon ako sa kanya.
"Mamaya--"
Naputol ang sasabihin ko nang sumigaw bigla si Sandra.
"Shin!"
Humarap ako sa aking unahan at nakita kong malapit na sa'kin ang kotseng dadaan. Pero bigla naman itong tumigil din. Mga 5 inches nalang ang agwat nito sa'kin.
Hinila ako ni Sandra sa may tabi.
"Nasugatan ka? Nagasgasan? Ano?" sunod-sunod niyang tanong.
"W-wala." sabi ko. "Ayos lang ako."
"Ayos?! Anong ayos doon? Paano kung hindi na yun tumigil? Paano kung wala yung preno? Edi malamang wala ka na agad ngayon!"
"Eh--"
Pinutol niya ang sasabihin ko.
"Sana nalang pala, hindi na kita inakit. Paano nalang pala kung ito na yung kahulihan kong makakasama ka? Paano kung hindi na kita makita? Paano kung mag-isa nalang ako?..."
Nakita ko nalang na tumulo nang sunod-sunod ang kanyang mga luha, mula sa kanyang mga mata.
Akala ko ako lang. Kahit din pala siya natatakot na mawala ako...
"Ayos lang ako. H-hinding-hindi kita iiwan. Hindi ako agad-agad mawawala sa tabi mo..." sabi ko.
Bilang kaibigan nga lang.
Niyakap ko siya.
Pero, ipagpapatuloy ko ang aking buhay para sa'yo.
***
Ngayon ay Sabado na. Nagising ako bigla nang dahil sa sumisigaw sa labas ng bahay.
"Shin! Shin! Shin!"
Pinuntahan ko naman ang aking gate at sinilip ko kung sino ang sumisigaw.
Si Sandra.
"Bakit?" tanong ko habang nililinis ko ang aking mga mata.
"Tara. Mag-bike tayo." sabi niya.
Hmm...Bakit naman niya naisip yun? Parang may kakaiba sa kanya ngayon.
"Eh...sige."
"Good!" ngumiti siya. "Tara na!"
Hinila niya ako nang sobrang bilis papunta sa may boarding house niya at kinuha niya ang dalawang bike nya.
![](https://img.wattpad.com/cover/34884326-288-k639911.jpg)
BINABASA MO ANG
(FZLF) Friend Zone lang, Forever?
Teen FictionMinahal ko siya nang higit sa kaibigan. Minahal niya ako bilang kaibigan lamang. Ito ang istorya namin. Friend zone lang, forever. Note: COMPLETED. Credits to: the owner of the used photos from google. :) PS: Don't judge the book by its cover. (FZL...