Chapter 33

120 14 3
                                    

Sandra's POV:

Hindi man naging madali para sa'kin ang saktan ako ni Ariz pero isa lang talaga ang pwede kong gawin para maging maayos na ang lahat. Salamat kay Shin at natutunan ko ang isang mahalagang aral sa aking buhay--ang magpatawad.

Labasan na namin ngayon at nakita ko si Ariz, kasama ang kanyang girlfriend, sa may gate ng school. Lumapit ako sa kanila at pareho silang napaharap sa'kin.

Huminga ako nang malalim bago ako magsalita.

"Hindi ako nandito para magalit sa inyong dalawa. Nandito ako para humingi ng tawad..." Tiningnan ko ang girlfriend ni Ariz. "P-pasensiya nga pala dahil naging hadlang ako sa inyong dalawa. Hindi ko naman talaga yun intensiyon at wala rin akong alam na may girlfriend na pala si Ariz."

Ngumiti siya sa'kin.

"Ayos lang. Itong si Ariz naman talaga ang may kasalanan."

Tiningnan ko naman si Ariz.

"Sorry..."

"B-bakit? Wala ka dapat ipinagpapasensiya sa'kin, diba?" 

"Meron." sagot ko. "Gusto kong mag-sorry dahil nagtanim ako ng galit sa iyo. Sorry din kung nahulog ako at naging tanga sa'yo. Pero, hayaan mo na. Makaka-move on din ako sa mga nangyari."

Tama ka Shin. Wala na akong ipinagkaiba sa iba kung ni hindi ko kayang magpatawad at humingi ng tawad...

Salamat.

"Gusto ko ding sabihin na pinapatawad na kita sa lahat ng mga nagawa mo sa'kin..." pagpapatuloy ko. 

Ngumiti si Ariz sa akin at ginulo niya ang buhok ko.

"Salamat."

Ngumiti ako pabalik.

Ako na itong magpaparaya...

"Walang anoman. Basta...masaya ako para sa inyong dalawa! Patatagin niyo pa ang relasyon niyo, ha?"

Kahit masakit para sa akin.

Tumalikod na ako at naramadaman ko ang pagtulo na naman ng isang luha mula sa aking kaliwang mata.

Ito ang tama at ito lang ang solusyon. Siguro din, hindi talaga si Ariz ang tamang tao para sa akin. 

***

Kinabukasan, magkakasabay kaming pumasok nina Aira, Shin, at ako. Tahimik lang kami habang naglalakad at walang nagsasalita miski isa sa amin.

"Ano ba naman kayo? Ang tahimik! Wala man lang bang magsasalita sa inyo, I mean, sa atin?" tanong ni Aira.

Nagkatinginan lang kami ni Shin at muli na namang nagsalita si Aira.

"Sa bagay, pareho naman kayong tahimik palagi. By the way, sino nga pala ka-date niyo?"

"H-ha?!" sabay naming sigaw ni Shin.

Nagkatinginan lang kami sa isa't-isa at nagtawanan nalang kami.

"Tawa kayo diyan?" sabi ni Aira habang binigyan kami ng isang confuse-look. "Hmm...I smell something fishy!"

Sabay na naman kaming nagsalita ni Shin.

"Ah...eh..."

"I, O, U?" pagpapatuloy ni Aira. "Naku! Sasagot ba kayo o mag-rerecite ng mga vowel words?"

"Wala yun. Single lang kasi kami." sabi ko.

Tumawa nang sobrang lakas si Aira.

"Huwag naman kayong bitter at K.J. sa Valentines! Kahit papaano, mag-celebrate pa rin kayo. Mamatay ang walang mga lovelife!"

(FZLF) Friend Zone lang, Forever?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon