Chapter 31

81 13 1
                                    

Sandra's POV:

Dumating ako sa parke ng saktong 4:00 at umupo muna ako sa isang upuan para hintayin si Ariz. Ngunit lumipas ang 1 oras at hindi pa din siya dumadating.

Asan na kaya siya?

Malamang, hindi na niya ako pupuntahan. Ang paasa talaga niya. Mabuti nalang siguro kung aalis na ako. Ang hirap talagang maghintay sa wala.

Tumayo na ako mula sa aking kinauupuan at naglakad na ako papaalis ng parke. Ngunit nang mapatingin ako sa may kabilang parte ng parke, nakita ko siya doon na may kausap na babae.

Mali lang siguro ang napuntahan ko.

Dumeretso ako pabalik doon at matapos ay lumakad ako papunta sa kanya. Nasa malayo palang ako nang marinig ko ang usapan nilang dalawa.

"Sabi ko nga sa'yo, nagkakamali ka." sabi ni Ariz.

"Pero totoo ang nakita ko!" sabi ng babae. "Nakita ko sa mga post sa facebook ng kaklase mo na may kasama kang iba at Sandra pa daw ang pangalan nun! At nakuha mo pa talaga na lokohin ako, ha?!"

Lokohin? Edi ibig-sabihin...

"Hindi yun totoo! Ikaw ang girlfriend ko at ikaw ang mahal ko! Hindi si Sandra ang mahal ko. Ginamit ko lang siya para bumalik ka na sa'kin...kasi mahal na mahal kita."

Pagkarinig na pagkarinig ko sa mga sinabi niya, naramdaman ko nalang ang sunod-sunod na pagtulo ng mga luha ko. Sumabay pa ang unti-unting pagpatak ng mga ulan.

G-ginamit niya lang ako. Kasinungalingan lang ang lahat. At parang umuulit na naman ang dati.

...

May girlfriend na pala siya...

Mas lalo akong nagulat sa sumunod na ginawa niya dahil hinalikan niya sa labi ang kanyang girlfriend. Matapos nun ay naramdaman ko nalang ang paglakas ng pag-ulan.

"Tara, umuulan na." sabi ni Ariz.

Hinawakan niya ang kamay ng kanyang girlfriend at akmang paalis na sila nang bigla nila akong nakita.

"S-Sandra...?"

Tiningnan ko lang silang dalawa at matapos ay tumakbo na ako papalayo.

Wala na siyang ipinagbago kay Niko! Lahat sila manloloko!

...

Lahat sila, sasaktan at iiwanan ako.

Shin's POV:

Lumabas muna ako sandali sa aking bahay para mag-uli na naman. Nadaanan ko pa ang boarding house ni Sandra at tumigil muna ako sandali sa tapat nun.

Puntahan ko kaya siya?

...

Hindi. Huwag na pala. Masaya na siya kay Insan. Sino ba naman kasi ako para pantayan siya?  Sa kanya palang, talo na ako...

Lalong-lalo na't hindi ako kayang mahalin pabalik ng kaibigan ko.

Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad at naalala ko sandali ang sinabi sa'kin ni Mangkukulam.

^-^-^-^Flashback^-^-^-

"Huy Nerd, alam mo na ba yung balita?" tanong niya.

"A-ano?"

"Nanliligaw na yung pinsan mo kay Sandra! Sa 14 pati, magiging sila na."

"..."

"O paano ba yan, naunahan ka na. Ikaw kasi, ang torpe mo!"

-^-^-^End of Flashback^-^-^

(FZLF) Friend Zone lang, Forever?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon