Chapter 20 [EDITED]

122 17 2
                                    

Shin's POV:

Lunes. Kasalukuyan kami ni Sandra na nasa classroom habang naghihintay ng klase. Nagkukwento siya sa'kin, samantalang ako naman ay tahimik na nakikinig sa kan'ya.

"Grabe ang pinsan mo! Ang manyak-manyak! Sabihan ba naman ako ng 'sexy'. Kadiri siya, ah. Tapos sinagot-sagot pa niya si Mama..."

Pinagmasdan ko siya sa sandaling ito. Halos bukang-bibig niya ang pangalan ni Insan tapos ang saya-saya ng nakikita kong ekspresyon sa kan'yang mukha. Sa tingin ko'y nakuha yata ni Insan ang loob niya. Hindi naman siya madalas mag-kwento tungkol sa iba.

"Tapos niyaya pa niya ako ng date! Ano siya, hilo? May pagka-loko talaga ang pinsan mo, 'no?" Napatingin siya sa'kin, kaya naman agad kong iniwas ang tingin sa kan'ya.

"Gan'on talaga 'yun." tangi kong nasabi. Ewan ko ba kung bakit nawalan ako ng ganang magsalita.

"Hmm. Mukha nga. Mabuti nga sa kan'ya na nasapok siya ni Mama." natatawang sabi niya. Nagpatuloy lamang siya sa pagkukwento hanggang sa marinig namin ang boses ni Mangkukulam.

"Yiiieeehh! Magkasama ang dalawang lovers!"

Pareho naman kaming napalingon ni Sandra.

"Magkaibigan lang kami." sabay pa naming nasabi.

"Di nga? Kasi baka meron sa inyo..." nakangiting sabi niya sabay iniba na ang usapan. "Ano nga palang meron? Ba't parang masaya si Sandra?"

"Masaya? Mukha ba akong masaya?" sarkastikong sabi ni Sandra. Kahit ako, napansing nakangiti din siya kanina.

Napatingin naman sa akin si Mangkukulam.

"Huwag mong sabihin, dahil kay Nerd?"

"Hindi. Yung pinsan niya kasi, nakakasura!" sabi ni Sandra sabay ikinuwento rin kay Mangkukulam ang nangyari noong Sabado at Linggo. Nakita kong mas lumawak ang ngiti niya kaysa kanina. "...Akala ba niya'y nakakatuwa siya!"

"Malay mo, magustuhan mo rin siya!" sabi ni Mangkukulam.

Bigla na lang akong napatingin sa kanila. Ang swerte ni Insan kapag sinagot siya ni Sandra, wala pa kasing sinasagot 'yun sa lahat-lahat ng mga naging manliligaw niya.

"Asa pa 'yun." iritadong sabi ni Sandra.

"Alam ko na 'yung gan'yang style. Enemies turned to lovers, kumbaga." Ngumisi si Mangkukulam sabay bumulong. "Tapos magkakatuluyan."

"Anong magkakatuluyan?" bigla ko na lang nasabi. "Hindi sila magkakatuluyan."

Napatingin silang pareho sa akin. Siguro ay nagulat. Kahit ako din ay nagulat na nasabi ko iyon. Parang hindi pa kasi ako sanay na may iba nang pagtutuonan ng pansin si Sandra, bukod sa aming mga kaibigan niya.

"Ano bang pinagsasasabi mong Nerd ka? At bakit hindi naman sila magkakatuluyan?" tanong ni Mangkukulam.

"W-wala daw kasing forever." palusot ko na lang.

"Alam mo, ang bitter mo! Wag mo nga kaming isama!" Inirapan ako ni Mangkukulam sabay nakipag-usap na uli. "Sa tingin ko, baka may gusto 'yung pinsan ni Nerd sa'yo. Ang pahanga! Oh, pa'no 'yan?"

"Hayae siya. Basted, kapag nanligaw." sabi ni Sandra. "Hindi naman pati 'yun magkakagusto sa akin."

Nagkakamali ka.

"Sino ba naman ang hindi magkakagusto dun, sa ganda ba naman niya? Kahit nga siguro ikaw..."

"Teka nga, bakit ba naman napapunta doon ang usapan natin? Ikinuwento ko lang, may malisya na?" sabi ni Sandra.

(FZLF) Friend Zone lang, Forever?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon