Chapter 32

74 12 1
                                    

Sandra's POV:

Ilang araw na din ang lumipas nang malaman ko na ang katotohanan kay Ariz. Palagi ko na siyang iniiwasan at kung minsan, ginagawa ko nalang siyang hangin sa aking paningin.

Ngayon, kasalukuyang mag-isa akong naglalakad sa hallway ng school habang nakatingin ako sa malayo. Ginugulo na naman pati ako ng aking isipan dahil naaalala ko na naman ang sinabi ni Ariz sa kanyang girlfriend nung isang araw.

"Ikaw ang girlfriend ko at ikaw ang mahal ko!"

"Hindi si Sandra ang mahal ko!"

"Ginamit ko lang siya para bumalik ka na sa akin...kasi mahal na mahal kita."

...

Tanga! Tanga ka talaga, Sandra! Bakit ka ba kasi nahulog ka pa sa isang gagong manggagamit lang pala?...

Ang sakit! Sobrang sakit.

Sunod-sunod na tumulo ang mga luha ko at ni hindi ko ito mapigilan. Narinig ko nalang sandali na may tumawag sa'kin.

"Sandra!"

Si Ariz.

Hindi na ako nag-abala pang lumingon sa kanya. Pinunasan ko ang aking mga luha at nagmadali akong lumakad papalayo. Ngunit bigla naman siyang humara sa unahan ko.

"Sorry." sabi niya.

Nagkatinginan kami sa mga mata ng isa't-isa at matapos ay muli na naman akong napaluha.

"Sabi mo, hindi mo ako sasaktan! Sabi mo, hindi ka magiging katulad niya! Ang tanga ko! Sobrang tanga ko!"

Sasampalin ko siya sa mukha nang may biglang pumigil sa aking kamay. Lumingon naman ako.

Shin?

"Kung sasaktan mo lang siya pabalik at magagalit ka, parang wala ka nang ipinagbago sa kanya. Mas mabuti nalang kung patawarin mo na siya." seryoso niyang sabi.

Minsan talaga, ang lalalim ng kanyang mga sinasabi...parang may hiwaga.

Pero, hindi pa ako handa. Natatakot pa ako...

Tiningnan ko lang siya at matapos ay umalis na ako papalayo.

***

Pauwi na sana ako nang makita ko si Shin na nakaupo sa isang tabi at nakatingin pa siya sa malayo. Sinundan ko naman ang tingin niya at nakita kong nakatingin siya sa lalakeng naggi-gitara.

Tinanong ko naman siya.

"Shin, gusto mong mag-try ng gitara?"

Tiningnan niya ako.

"H-ha? Ah...huwag na. H-hindi pati ako marunong."

Ngumiti ako sa kanya at hiniram ko yung gitara nung lalake. Matapos nun ay bumalik ako kay Shin.

"Shin, gusto mong matuto?"

"Ah...sige."

Umupo ako sa tabi at inihanda ko na ang gitara.

"Ano bang kanta na gusto mong tugtugin?" tanong ko.

"B-buko...?" sagot niya.

"Sige. Ganito lang yun..."

Itinuro ko sa kanya kung paano mag-gitara at mabilis din siyang natuto. Ngayon, siya naman ang naggi-gitara na.

Wow.

(FZLF) Friend Zone lang, Forever?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon