Chapter 4 [EDITED]

233 21 4
                                    

Shin's POV:

8:56 ng umaga, nagising ako. Mabuti nalang, 9:30 pa ang aming pasok ngayon. Hindi kami mahuhuli sa klase.

Aking pinakiramdaman ang aking  noo. Sa palagay ko, nawala na ang sakit ng aking ulo. Hindi na mainit ang temperatura ko. Hindi na rin ako nahihilo. Pagbangon ko sa aking kama, dumiretso ako papunta kay Sandra para gisingin siya.

"Sandra, gising na. May pasok pa tayo." Ginulo ko ang kanyang buhok para mas lalo siyang magising. Nararamdaman ko ang sunod-sunod na pagtibok ng aking dibdib habang siya ay aking pinagmamasdang tulog.

"Umaga na kaagad?" Napansin ko nalang na mulat na siya at gising. Inunat niya ang kanyang mga braso habang humihikab.

Muli kong ginulo ang kanyang buhok bago ako sumagot.

"Oo. 8:56 na." Nakita ko ang pagsimangot ng kanyang mga labi, siguro dahil sa may pasok pa o kaya dahil ginulo ko ang pagkaka-ayos ng kanyang buhok.

"Opo, babangon na." aniya sabay bumangon na't tumayo. "Salamat nga pala sa paggising sa'kin."

Magkatapat kaming dalawa ngayon. Nakatayo siya sa aking harap mismo. Ang problema lang, mas matangkad ako sa kanya, kaya hindi kami magka-pantay. Ngumiti siya sa akin sabay ginulo din ang aking buhok.

"Teka, magaling ka na ba?" tanong niya.

Um-oo naman ako.

"Tama ba ang narinig ko? Magaling ka na kaagad? Ang bilis! Galing agad?" Saka ko lang uli naalala na may iba pa nga palang tao dito sa bahay ko, si Mangkukulam. Boses palang niya, tanda ko na.

Hindi ko nalang pinansin ang sinabi ni Mangkukulam. Basta ko lang siyang hinarap at tiningnan nang masama.

"Sige, Aira, Shin, aalis na ako. Maghahanda pa ako sa klase eh." paalam ni Sandra.

"Sige." sabay naming sabi ni Mangkukulam. Nagkatinginan kami nang masama sa isa't-isa. At bago man maka-alis si Sandra, pinaalalahanan ko siya.

"Ingat ka." Kumaway ako sa kanya. Isang tango naman ang kanyang ibinigay pabalik sabay lumabas na.

Pagbaling ko ng aking tingin kay Mangkukulam, naabutan kong nakahiga pa rin siya sa sofa. Patuloy pa rin siya sa pagtulog, na parang wala bang pasok. Balak ko sanang sigawan na siya para magising, pero mas mabilis pa ang kanyang bibig sa pagsasalita.

"Wow! Mag-ingat daw!" Unti-unti niya akong hinarap sabay bigay ng isang ngisi. "Masyadong concern?"

Sarkastiko ko siyang nginitian.

"Alis ka na! May pasok pa 'ko eh." bulyaw ko.

"Ayoko nga." Dumila siya sa akin. Balak pa niya ata akong kutyain at galitin. Sumimangot ako at hinayaan na siya. Baka maasar lang ako.

"Sige. Magpatagalan ka lang diyan. Bahala kang maging absent." Ewan ko lang kung matatakot siya sa banta ko. Sana naman gumana.

"K." maikling sambit niya sabay muling bumalik sa pagulog. "Wala akong pake kung di ako pumasok ngayon."

Sa huli, ako pa rin pala ang talo. Akala ko gagana na sa kanya yung sinabi ko.

"Alis ka na!" sigaw ko sabay tulak sa kanya sa sahig. Kaso ang tindi niya. Hanggang doon, nakahiga pa rin siya at patuloy na natutulog.

Hay.

"Bahala ka. Kapag bumalik ako at nandiyan ka pa, lagot ka sa'kin." naasar kong banta sa kanya. Matapos ay dumiretso ako sa banyo para maligo at magbihis na.

(FZLF) Friend Zone lang, Forever?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon