Chapter 29

84 15 2
                                    

Sandra's POV:

Ang bilis talaga ng panahon at December 31 na. Mamayang 12:00 AM, January na kaagad. Malapit-lapit na din akong pumunta ng Singapore, pero magiging isang magandang ala-ala para sa'kin ang taon na ito.

Mamimiss ko sila.... Mamimiss ko sina Aira, Ariz, at si Shin. Ayoko pa sanang umalis sa Pilipinas. Ang daming dahilan para manatili ako dito. Isa na sila doon.

Kasalukuyang umagang-umaga pa at kakagising ko lang. Agad na pumunta ako sa balkonahe ng room ko sa boarding house. Pumikit ako at pinakiramdaman ko ang sariwang hangin na malamig.

"Hoy!" biglang may nagsalita.

Lumingon-lingon ako hanggang sa makita ko si Ariz sa balkonahe ng bahay ni Shin.

"Ano na naman?" pataray kong sabi.

"Ang ganda ng moment natin diyan ah, pipikit tapos papakiramdaman ang hangin."

Dumila ako sa kanya.

"Pake mo?!"

Tumawa lang siya nang tumawa at bigla niya akong niloko.

"Sungit!"

"Panget!" sigaw ko.

"Sungit!"

"Panget!"

Siya rin...siya rin ang isa sa mga magandang dahilan kung bakit hindi ko malilimutan ang taon na ito.

Sa tuwing kasama ko siya, sumasaya ang mga araw ko...nagkakakulay, gumagaan, at parang nagiging fairytale ang lahat. Sino ba naman ang hindi maiinlove sa kanya? Nakakatawa, gwapo, mabait, gentleman, masayahin...parang lahat nasa kanya na.

Akala ko, hindi ko na malilimutan si Niko...Salamat sa kanya, natutunan ko na ding buksan ang mga mata ko.

...

Ano ba itong pakiramdam na ito?

"Sungit, tulala ka diyan sa'kin?...May gusto ka sa'kin, noh?"

Oo na, Engot! Pa-fall ka!

Dumila uli ako sa kanya.

"As if! Panget!"

"Sungit!"

At doon, tuloy-tuloy lang kami sa pagpapalitan ng mga lokohan.

***

Dumating ang 10:00 ng umaga at may kumatok sa pintuan ng room ko. Binuksan ko iyon at naabutan ko si Ariz.

Bakit naman siya nandito?

"Happy birthday, Babe!" sabi niya.

Nagulat nalang ako sa sinabi niya.

"Anong babe? At isa pa, hindi ko birthday ngayon!"

"Joke lang. Hindi mabiro eh."

Umirap ako sa kanya.

"Oo nga pala, nagalit sa'kin si Insan nung Christmas Party natin." panimula niya.

"Bakit naman?"

"Ibinigay ko daw kasi yung teddybear sa'yo."

Huh?

"Bakit? Ikaw naman yung bumili nun, diba?" tanong ko.

"Eh...hindi. Siya ang bumili nun. Nakita ko lang yun sa cabinet niya..."

Seryoso? Bakit naman magte-teddybear si Shin?

"...at sabi niya, ibibigay daw niya iyon sa taong mahalaga sa kanya. Kasi naman, nag-iisa nalang daw yun at yun pa ang gusto nung kanyang pagbibilhan." dagdag niya.

Oo nga pala. Kaya gustong-gusto ko yung teddybear na yun kasi dati ko pa hinihiling na magkameron nun.

At tinupad nga niya. Akala ko, nalimutan na niya...

"Pero...wag kang mag-alala." sabi ni Ariz. "May regalo talaga ako para sa'yo."

"Ano?"

"Tawas!"

"Eww! Sa'yo nalang!"

"Hindi, joke lang!"

Inilabas niya bigla ang isang kahon at binuksan niya iyon. Nagulat nalang ako sa aking nakita dahil isang klase yun ng mamahaling kwintas.

Feeling ko, nagblu-blush ako! Para sa'kin ba yan?

O to the M to the G! As in O.M.G.!

"Hindi. Para sa'kin ito." sabi niya.

Eh?!

"At paano mo naman nalaman ang iniisip ko?" tanong ko.

"Matalino ata ang kausap mo." pagmamayabang niya.

Tss. Yabang!

Kinuha niya ang necklace mula sa box at matapos ay isinuot niya iyon sa'kin.

"Merry Christmas! Este--Happy New Year!" sabi niya.

Ngumiti naman ako.

"Thank you."

***

Nagising ako ng 11:58 ng gabi at pilit kong iniisip kung isang panaginip lang ang nangyari kanina.

Oo nga pala, new year na after 2 minutes.

Naririnig ko na ang mga sigawan sa labas ng bahay. Ang iba ay nagpapaputok na at gumagawa ng mga ingay. Nagulat nalang ako bigla nang may kumatok nang sunod-sunod sa pinto ng balkonahe.

Multo kaya yun? O kaya magnanakaw?...Wag naman. New year na new year, tatakutin ako.

Tinatagan ko ang aking loob at kinuha ko ang walis ko. Dahan-dahan akong naglakad papuntang balkonahe at matapos ay binuksan ko iyon. Agad ko pang pinalo ng walis ang taong kumakatok doon.

At nakita ko nalang na si Ariz pala yun.

"Aray!" sigaw niya.

"Ano ba ang ginagawa mo dito? Pinakaba mo ako at dis-oras na kaya ng gabi!" sigaw ko.

"Basta."

"Bakit ba? Akala ko, magnanakaw ka o kaya multo!"

"Tara!"

Hinawakan niya bigla ang kamay ko at dinala niya ako sa balkonahe ko.

Pakiramdam ko, hindi ako makahinga.

"Ano bang meron?" tanong ko.

"It's a surprise." ngumiti siya sa'kin.

K. Ano bang surprise ang meron sa balkonahe?

Napatingin ako sandali sa may bahay ni Shin at nakita ko si Shin na nakaupo lang sa labas ng kanyang bahay. Wala siyang ginagawa at parang malungkot pa siya.

"Uy!" sigaw ni Ariz.

Ibinaling ko ang tingin ko sa kanya.

"Huh?"

"Ipikit mo yung mga mata mo."

"At bakit naman?" nag-cross arms ako. "Anong plano mo, ha?"

"Basta."

"Oo na."

Ipinikit ko na ang aking mga mata.

"Ngayon, sabayan mo akong magbilang." dagdag niya.

Sabay kaming nagbilang.

"5...4...3...2...1...0!"

Narinig ko bigla ang pagputok ng mga fireworks. Iminulat ko na ang aking mga mata at nakita ko ang iba't-ibang makukulay na fireworks sa ulap.

Ang ganda ng view.

"Happy new year!" sabi ni Ariz.

Tumingin ako sa kanya at ngumiti ako.

"Happy new year."

Matapos nun, ipinagpatuloy lang namin ang panonood ng mga fireworks.

Da-best ka talaga Ariz...

(FZLF) Friend Zone lang, Forever?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon