CHAPTER 12 - MIXED EMOTIONS -

4.6K 150 24
                                    

SKYE'S POV

Isang linggo na ang lumipas simula nung nangyaring pag buhos ng pulang likido sa akin sa stock room. Alam ko hindi yun aksidente at sinadya yun pero hindi ko alam kung sino ang mastermind. Nababadtrip parin ako tuwing naaalala ko yun.

" Skye, malapit ng matapos ang three months dare mo. Isang linggo na lang. " Abby

Nandito kami ngayon sa bahay nila Abby kasama siyempre si Alex at Ayanna. We're planning to go out but we decided to stay here for a while.

" I know! Para matapos na yung pang bubully sa akin. My goodness, i can't believe I was bullied in our school. " Himutok ko sa kanila. Sino ba naman ang hindi maiinis? Nung si Skye pa ako halos lumuhod na ang lahat sa harapan ko para lang mapansin ko pero nung nag simula akong mag panggap na nerd daig ko pa ang may nakakahawang sakit. Ayaw nila akong lapitan at halos ipagtabuyan nila ako.

" At least alam mo na kung sino ang totoo sa'yo at yung hindi. Minsan kasi ang mga taong nandiyan during good times ay biglang nawawala pag nasa worst situation kana. " Abby

" Don't worry Skye, you have me kahit na nerd ka sa school. You gained a friend sa katauhan ko. " Sincere na sabi ni Alex. Kung may magandang naidulot ang pagiging nerd ko ay yung nakilala ko si Alex at nalaman ko na kahit nerd ako may mga tao parin pala na tatanggapin ka despite of your looks. Tulad ni Zach, pilit siyang nakikipag kaibigan sa akin kahit na nilalayuan na ako ng lahat dahil sa itsura ko. Pero ang weird ng pakiramdam ko lately lagi ko nalang naiisip si Zach kahit na hindi naman dapat. Oo, gwapo siya pero hindi naman siguro ako nagkakagusto sa kanya diba?! Ayoko!

" Natulala ka na diyan? " Abby

" H-ha? May sinasabi ka Abby? " Iwas na tanong ko sa kanya. Nakakainis yung ganitong feeling. Hindi ko alam na napapatulala na pala ako.

" May problema ka ba Skye? Kanina kapa wala sa sarili eh. " Abby

" Paano mo ba malalaman na may gusto sa'yo ang isang tao? " Biglang tanong ko sakanila. Ewan ko ba kung bakit bigla ko nalang natanong yun. Kitang kita ko naman ang pag silay ng ngiti ni Abby. Yeah right! Wrong move yata?!

" Tell me, may nagugustuhan kana ba? " Nakakalokong tumawa si Abby pagkatapos niya akong tanungin. Binato ko naman siya ng throw pillow na yakap yakap ko. Ito yata ang purpose ng throw pillow eh, pinangbabato sa taong nakakainis.

" Sagutin mo nalang kasi yung tanong ko at h'wag mo na akong pag tawanan pa. " Inirapan ko siya pero nilapitan niya ako at tumabi sa upuan ko. Nakangiti parin siya pero hindi na yung nakakainis na ngiti.

" Skye, naging nerd ka lang pero hindi ka manhid or inosente sa mga bagay-bagay. Nagka boyfriend kana dati kaya i'm sure alam mo kung may gusto sa'yo ang tao or wala. " Abby

" Sino ba kasi ang nagugustuhan mong lalake? Ang swerte niya dahil nakuha niya ang atensyon mo. " Ayana

Natahimik ako sa tanong ni Ayana, I'm not really sure if I like him na talaga. Matagal na akong single at hindi ko na alam kung ano ang feeling kapag may nagugustuhan ka or kapag may nagkakagusto sa'yo. Pero kasi kapag nasa malapit si Zach super kinakabahan talaga ako at daig ko pa ang tumakbo ng malayo dahil sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Kaya tinatarayan ko siya para pag takpan ang kabang nararamdaman ko tuwing nasa tabi ko siya.

" I think i know na kung sino ang nagugustuhan mo Skye. You like Zachary! " I was stunned when i heard what Abby said. Tiningnan niya ako at hinuhuli ang mga mata ko pero umiwas ako ng tingin sa kanya. " Base on your reaction, i think I'm right. Kelan mo pa yan naramdaman? " Abby

" Ano bang pinagsasabi mo Abby? Wala akong gusto kay Zach, masyado ka lang advance mag-isip. " Tumayo ako at kinuha ang juice at ininom ko yun dahil pakiramdam ko nauhaw ako sa mga sinabi ni Abby.

" Skye, I will not be your bestfriend just for nothing. Kilala kita from head to toe kaya wag mo na kaming lokohin pa dahil the more na idinideny mo yang nararamdaman mo the more na mararamdaman mo ito. Accept it Skye, it's the best feeling in the world. " Abby

" Okay-okay, I like him pero hindi naman ako sigurado if he likes me. " Lumapit si Abby sa akin at umupo sa tabi ko.

" He's into you. Ikaw lang naman kasi ang panay iwas sa kanya kaya akala mo hindi ka niya gusto. Panay nga ang papansin sa'yo pero deadma ka lang. " Abby rolled her eyes after niyang sabihin yun. Alam ko naman na panay papansin ni Zach sa akin pero iniiwasan ko siya. It's not that i don't like him but I'm scared that he might just playing around at ako ang paglalaruan niya. Hindi naman nila alam na ako si Skye at alam nila na ako si Francesca ang babaeng nerd.

" If i were you Skye, i'll just go with the flow. Wala namang mawawala sa'yo kung pagbibigyan mo ang nararamdaman mo. " Abby

Gustuhin ko man pero natatakot ako dahil sa nangyari sa akin four years ago. Nakakatakot ng mag mahal ulit, takot na akong sumugal sa laro ng pag-ibig dahil baka matalo nanaman ako kapag sumugal ako. Pero gusto ko rin si Zach, anu ba ang dapat kong gawin? Sumugal or hayaan nalang ang feelings ko hanggang sa kusa itong mawala?!

The Goddess  NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon