Chapter 23

606 11 0
                                    

Napag usapan naming tatlo na pumunta sa pinag dadausan ng drag racing. Tinawagan ko na rin si Alfred at pinahanda ko sa kanya si Diyosa. Ito na ang huling pag sali ko sa race and after this night, I will stop racing. Ibebenta ko na si Diyosa para di na ako ma tempt na mag race ulit.

Halos sabay lang kaming tatlo na dumating sa venue. Lumapit kaagad si Alfred sa amin pagkakita niya sa amin. Hindi niya pa alam ang plano ko na pagtigil na sa pag race, pero mamaya sasabihin ko din sa kanya.

" Yow, long time no see, Skye. Himala yata na hindi mo suot ang mask mo. " Nakipag fist bump ako kay Alfred at ganun din ang ginawa ng dalawa.

" It's about time to show my face. Anyway, this is my last race. After this race, I will sell Diyosa. " Napailing naman si Alfred sa sinabi ko. Hindi niya inaasahan na ngayong gabi na ang huling race ko. Nakapag desisyon na rin ako besides magiging busy na ako after graduation namin.

" Sayang naman, pero kung ibebenta mo si Diyosa, sa akin mo na ibenta. Napamahal na rin sa akin ang kotseng ito. " Kahit naman ako napamahal na rin sa akin si Diyosa. Pero kailangan ko ng mag focus sa mga priorities ko sa buhay and racing is unfortunately not part of it.

" Alfred, hayaan mo na si Skye na mag focus na sa buhay niya. Hindi pa nga alam ng parents niya yung pinang gagawa niya. Pag nalaman nila tito at tita na sumasali yan sa race baka grounded ang aabutin niyan. " Abby's right. Walang kaalam alam ang parents ko na sumasali ako sa drag racing. Even Stephen, he doesn't know. Inilihim ko ito sa kanya kasi alam ko madaldal yun at isusumbong niya ako sa parents ko. Maswerte lang ako dahil hindi pumupunta sa mga ganitong lugar si Stephen.

"Oh siya, since this is your last race, magkano ang ipupusta niyo? " Tanong niya. Binigay ko naman kay Alfred ang dalawang bugkos ng pera at ganun din sila ni Ayana at Abby. Tinodo na ng mga bruha ang taya nila.
" Whoa. Ang yayaman niyo talaga, I can't see myself betting this much of money. But since it's your last race Skye, I'm all in too. " Bahala sila dyan. Pag natalo ako mamaya sa race lagot na. Pero siyempre magpapatalo ba ako? Ako ang top 1 sa rank ng race kaya dapat mag eexit akong top 1 rank pa rin.

" Okay guys, I need to go there now. " Sumabay naman sila sa akin. Habang nag lalakad kami nahagip ng tingin ko si Natasha. What the hell is she doing here? Nasagot ang tanong ko nung makita ko ang grupo nila Zach. They're here. Bigla akong nag panic dahil nakita ko na pumunta si Zach sa mga nakahilerang  kotse na pang race.

" Skye, that guy over there is Black Phantom. " Bulong ni Alfred sa akin sabay turo kay Zach.

" Oh my god! That's Zach. " Bulalas naman ni Ayana. Kahit ako nagulat dahil hindi ko alam na sumasali pala siya sa race.

" Kilala niyo pala si Black Phantom?" Tanong ni Alfred na halatang walang ideya na kakilala namin si Zach.

" Ofcourse, classmate and boyfriend ni Skye si Zach. So, magkalaban pala silang dalawa sa race. Tadhana nga naman. " Tumawa si Abby sa sinabi niya kahit hindi naman ito nakakatawa.

" I need my fucking mask. Ayoko na makilala niya ako before the race started.  Saka ko na tatanggalin ang mask ko pagkatapos ng race. " Bumalik ako sa kotse ko at kinuha ko ang mask na nakalagay sa bag ko.

" Skye, you need to go there now. Tinatawag na kayong mga kasali sa race. Good luck, kaya mo yan talunin si Zach. " Tinapik pa ni Alfred ang balikat ko. Hindi ako sigurado kong magagawa ko na talunin si Zach sa ikalawang pagkakataon. Knowing him, hindi din siya magpapatalo.

" Good luck girl, pag tinalo ka ni Zach sa race makipag break ka sa kanya. Joke! " Sinamaan ko naman ng tingin si Abby. Ano naman kinalaman ng relasyon namin sa competition namin sa race? Kaloka!

" Go na girl, si Zach lang yan. Tinalo mo na siya nung una for sure magagawa mo pa rin siyang talunin ngayon. " Niyakap ako ni Ayana saka pumunta na ako sa kotse ko na nakahilera sa unahan.

The Goddess  NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon