CHAPTER 8 -ALEXANDRA-

5.3K 168 12
                                    

ALEXANDRA'S POV

" Alexandra, wake up. Woist, gising kana daw nerd. Tulog mantika ka talaga. " Ang aga-aga namang mambulabog ng mokong na to. Kung hindi ko lang siya kuya sarap ipatapon sa Iraq at ibala sa canyon.
" Alexandra, anu ba? Gumising kana nga, ako pa ang ginawa mong alarm clock. " Sigaw ni kuya. Hinablot niya ang comforter na nakabalot sa katawan ko sabay hila ng paa ko.

" Kuyaaaaaaa.. Lumabas kana nga at tatayo na ako. " Yamot na yamot ako sa ginawa ni kuya. Antok pa kasi ako kaya nakakainis na gigisingin ako ng ganito kaaga. Lumabas na siya ng room ko at tiningnan ko ang wall clock. " Holy molly, 6:30am na? Late na ako. Waaaaahhh.. " Tumayo na ako at dumiretso sa banyo para maligo. Daig ko pa ang binibilangan habang naliligo dahil sa sobrang bilis kong maligo. Hindi na nga ako nakapag shampoo sa sobrang pag mamadali ko. Dibale, wala namang aamoy sa akin sa school kaya ayos lang.

" Nandiyan kana pala Alexa, kumain kana at baka malate kapa. " Sabi ni mommy in her cold tone at hindi man lang nag abalang tumingin sa akin. She's cold to me since when i was a kid. Kaya sanay na ako sa ganitong treatment niya sa akin. Maswerte na kung kausapin niya ako ng matagal pero most of the time she don't talk to me kung walang importanteng bagay na sasabihin.

Tatlo kaming magkakapatid at pangalawa ako sa aming tatlo. Dalawa kaming girls at si kuya nag iisa lang. Namatay ang bunso kong kapatid dahil narin daw sa kagagawan ko. Nalunod siya sa swimming pool nung 7 years old ako at siya naman ay 4 years old. Naglalaro kasi kami ng habulan malapit sa swimming pool at nadulas ang kapatid ko at nahulog sa pool. Since bata pa ako that time kaya hindi ko nagawang i-save ang kapatid ko. Huli na ng makita ng daddy ko na nalulunod siya. Nung tinry niyang isalba ang kapatid ko pero huli na ang lahat. She was dead before my dad took her out from the pool. At simula noon naging cold na si mommy sa akin dahil ako ang sinisisi niya sa pagkamatay ng younger sister ko.

" Maam Alexa, nandito na po tayo. " Biglang bumalik ang isip ko sa reyalidad. Naaalala ko parin ang pangyayaring yun. At tuwing naaalala ko yun nararamdaman ko parin ang bigat ng loob at guilty feeling. Yes, i'm guilty on my sister's death. Siguro kung hindi siya namatay may kakulitan ako at hindi ako lagi binibwiset ni kuya. Kung buhay sana siya siguro hindi cold ang pakitungo ni mommy sa akin ngayon at siguro masaya ang bahay dahil sa kanya. May kumawalang luha sa aking mga mata at bago pa tuluyan akong mapaiyak ay agad ko na itong pinahid at tumingala para tumigil ang nagbabadyang pag patak ng mga luha ko. Huminga ako ng malalim para mawala ang bigat ng feeling ko.

" Salamat Mang Danny sa pag hatid sa akin. " Ngumiti ako sa driver namin na matagal narin na panahon na naninilbihan sa amin. Buhay pa ang bunsong kapatid ko noon driver na siya namin.

" Ikaw talaga maam Alexa. Trabaho ko ito at hindi mo na kailangang magpasalamat sa akin. " - Mang Danny

Bumaba na ako sa kotse at dumiretso na sa garden kung saan kami laging nakatambay ni Skye. Naging close narin ako sa kanya at hindi na siya naiilang sa akin. Malayo palang tanaw ko na si Skye naka upo at may naka saksak na earphone sa tenga. Ganito lagi tuwing kita ko sa kanya.

" Hi Avery, what's up? " Magiliw kong bati sa kanya. Tumingala siya at ngumiti sa akin.

"Oh, nandiyan kana pala? " Sambit niya at agad namang binalik sa phone niya ang kanyang tingin.

" M-may lakad ka ba later? " Napakunot naman ang noo niya sa tanong ko.

" Wala naman, deretso na ako sa bahay after school. Bakit? " Kaswal niyang sabi habang ang atensyon niya sa phone niya parin.

" Starbucks tayo later kung okay lang sa'yo? " Tumingin siya sa akin ng nakangiti sabay tango. Ang ganda talaga niya kahit naka disguise siya na nerd.

The Goddess  NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon