CHAPTER 1 -FIRST DAY OF SCHOOL-

12.8K 277 49
                                    

SKYE'S POV

First day of school! Ngayon mag sisimula ang transformation ko from goddess to nerd. Lahat ng pang nerd outfits binili ko na para sa three months na pagpapanggap ko.

Nag ayos na ako-- oh scratch that, nag papangit na ako ng mukha ko. Nilagay ko na ang fake na kilay ko para mag mukhang makapal ito. Isinuot ko narin ang malaking salamin ko sa mata at nag suot ng pang manang na outfit. Long skirt para matakpan ang legs ko at loose tshirt. Pag tingin ko sa salamin, gusto kong matakot sa nakikita ko. Ang pangit ko tingnan at halos hindi ko makilala ang sarili ko dahil sa make over ko ngayon. Isa lang ang sigurado ko, mukhang convincing ang ichura ko.

Pagbaba ko, nandun na ang parents ko sa table at kumakain na. " Good morning dad, mom! " Nag-angat ng tingin si daddy at napanganga sa ichura ko.

" What did you do to yourself Francesca? " Napangiwi ako sa tawag ni daddy sa akin. One thing that i hate is when someone call me with my full name. Kapag buo ang pangalan ko na tinawag ni daddy that only means na hindi maganda ang ginawa ko.

" Dad, I called it my new makeover. " Napailing nalang si daddy at hindi na nagsalita pagkatapos. Napatingin naman si mommy sa gawi ko at lumuwa talaga ang mga mata niya nung makita ako.

" Oh my God! What have you done Skye? Why are you wearing that kind of outfit? " Napatutop pa sa bibig si mommy. Natatawa ako sa mga reaksyon nila. Parang hindi sila makapaniwala sa nakikita nilang pag babago ko. Well, my mom knew that I hate these kind of outfits. All my wardrobes are new and updated. Kung anu ang uso ngayon, i'll make sure that I have that also in my closet. At ang pinaka hate ko sa lahat ang pagiging baduy or nerd. Kaya for a change, ito ang naging challenge ko; ang maging nerd for three months.

" Mom, ito 'yong challenge nila Abby at Ayana sa akin, ang maging nerd sa loob ng three months. " Paliwanag ko kay mommy. Biglang tumawa si mommy at halos napapaiyak na siya sa kakatawa. Napasimangot naman ako dahil alam kong pinagtatawanan niya ako dahil sa ayos ko. Bakit pa kasi nauso ang challenge? Pati ako hindi nakawala sa challenge na'to. Wait, ako nga pala ang nagpauso nito. Shet!

" Mom, I have to go now. Baka malate pa ako, first day pa naman at first day ng pagiging nerd ko. " Ngayon palang kinikilabutan na ako. Parang gusto ko ng mag back out sa challenge na'to at ibigay nalang kay Ayana at Abby ang kotse ko. Yup, kotse ko ang kapalit kapag hindi ko ginawa ang dare nila.

" Okay iha, good luck on your first day. For sure maraming mambubully sa'yo. Well, I know you can take care of yourself. Bye! " Natatawa parin si mommy sa ichura ko pero halatang nagpipigil lang siya. Si daddy naman napailing nalang sa kalokohan ko.

" Hey dad, are you mad? I'm going now! Bye! " Humalik na ako sa kanilang dalawa ngunit bago pa ako makahakbang nagsalita si daddy.

" Skye, are you sure about that outfit? Ayaw mo ba talagang mag palit ng ibang damit 'yung usual na sinusuot mo? " Umiling ako kay daddy, alam ko ayaw niyang ipahiya ko ang sarili ko but i already decided and accepted the challenge.

" All is good dad, don't worry i'll be fine. " Ngumiti ako sa kanila at lumabas na ng bahay.

SCHOOL..

Pagkababa ko palang ng kotse ko tinginan na lahat ng mga estudyante sa akin. Halatang nandidiri sila sa suot ko, well ako din naman nandidiri sa suot ko pero kailangan kong gawin ito. Ayokong masabihan nila Abby at Ayana na walang word of honor dahil hindi ako tumupad sa dare. Three months lang naman and after that pwede na akong bumalik sa tunay kong anyo. Plus, sa school lang naman ako magpapanggap na nerd but outside school premises pwede na akong maging Skye. Ang goddess na si Skye not this nerd Francesca.

" Hello Abby? Saan kayo? " Tanong ko sa kabilang linya. Naririnig ko pang nagsasalita si Ayana pero pinatahimik siya ni Abby.

" Papasok na kami sa loob ng school. Where are you? " -Abby

The Goddess  NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon